^

PSN Showbiz

Baguhang artista na ‘di pa kilala, combative na!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Mabuti na lang at nandiyan agad si Atty. Ferdie Topacio para maging legal adviser ni Cristy Fermin.

Imagine mo na isang baguhang artista na hindi ko kilala ang buong tapang na humihingi ng apolo­gy kay Cristy, bongga!

Hindi ba alam ng mga baguhan na pasalamat sila at napapansin at isinulat sila, kaya dapat tignan nila ito in a very constructive way? Kung magiging matalino sila, puwede nilang makita at mabago, iyon tingin sa kanila ng tao.

Huwag agad nilang bigyan ng malisya, at bigyan ng masamang epekto ang nabasa nila. Wow ha, ganun na ba ka sensitive eh kapapasok mo pa lang sa showbiz.

Mas magandang ipakita mo ang pakikisama, at pang-unawa sa mga nagaganap, kesa naman comba­tive ka agad.

Alam ko na kayang-kaya ni Cristy Fermin harapin iyan, lalo pa at nasa tabi niya si Atty. Ferdie Topacio, saka sa ganitong panahon dapat natin ipakita sa mga baguhan na dapat maging team player sila, hindi iyon kapapasok pa lang, bumabangga na agad.

Madaling pag-usapan iyan, ipaliwanag na hindi totoo, alam namin as writers ang parameter ng tama o mali, alam namin tumanggap ng paliwanag. Madali lang, hindi na dapat meron agad legal na papasok. Hindi bale, baka pag natapos ang issue na ito makilala ko na kung sino iyon artista na humihingi ng apology kay Cristy. Hahaha.

Kilala mo ba Salve o Gorgy, ano nga name niya?

Rhea tuloy ang pagsi-share

Bongga talaga si Rhea Tan ng Beautederm.

Imagine mo, talagang nagpadala siya ng mga Valentine gift sa mga ambassador niya at mga kaibigan sa press. Talagang alam na alam niya ang beauty of sharing, of giving forward. Kaya si­guro puno rin ng blessings ang Beautederm na sa maikling panahon talagang nag number 1 sa mga beauty products.

At talagang hinihintay ng marami kung kelan magkakaroon ng mga beauty clinic si Rhea dahil na nga nakita ng lahat kung gaano ka effective ang mga product niya.

Sabagay dahil siguro sa mga produkto lang sapat na ang success na nadama ni Rhea kaya ayaw muna niyang maubos ang oras kung magbubukas ng mga beauty clinic. Wise move rin, dahil by now na grabe na ang branding ng Beautederm madali na ang expansion later.

vuukle comment

FERDIE TOPACIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with