^

PSN Showbiz

Maayos na nagpaalam...

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Maayos na nagpaalam...
Willie
STAR/ File

Inaasahan nang emotional ang pagpapaalam ni Willie Revillame sa GMA 7 nung Biyernes, Feb. 11, sa Wowowin.

Sa loob ng isa at kalahating oras ay inilahad ni Willie ang buong pangyayari kaugnay sa desisyon niyang ‘di pagpirma sa renewal ng kontrata sa GMA 7.

Mahigit isang buwan na raw sa kanya ang kontrata pero hindi pa niya pinipirmahan. Hanggang nung nagkausap na sila ni Mr. Joey Abacan, doon na raw sila nagkalinawan at malungkot siyang nagpaalam na hindi na niya mapi­pirmahan ito.

Hindi lang nailatag ni Willie ang buong timeline bakit siya nag-decide na huwag nang mag-renew gayung mahigit isang buwan na sa kanya ang kontrata.

Kailan lang naman nakumpirma ang pag-award ng frequency sa dating Sen. Manny Villar, at sinabi rin ni Willie na hindi pa sila nag-uusap nang final tungkol sa pagkuha sa kanya sa network ng Villar na AMBS o Advanced Media Broadcasting System.

Sinabi rin mismo ni Willie na usually, ang renewal ng kontrata ay inihahanda na tatlong buwan bago mag-expire.

Napapag-usapan na ba nila noon ‘yan ni Sen. Villar?

Pero sabi nga ni Willie, nung Feb. 2 raw ay dinalaw siya ni Sen. Villar sa bahay niya sa Tagaytay. Aniya; “Nag-usap ho kami ni Senator Villar, ang sabi niya, ‘may frequency, may franchise, puwede na. Pero ang sabi ko, ‘ano ho ba ang plano niyo? Wala pa siyang plano, zero, kasi wala raw siyang alam sa industriyang ito, that’s why kinausap niya ako.

“Sabi ko, ‘Mabigat ho iyan. Una sa lahat, ano ang kailangan natin? Lalabas kayo ng frequency, wala kayong transmitter. Walang transmitter eh, ‘yun ho ang nagbibigay ng signal sa buong Pilipinas. Isang problema po ‘yan.

“Another problem is wala naman tayong concept, wala naman tayong content ng programa. Magmula sa umaga hanggang madaling-araw, anong ipalalabas? So, zero na naman.”

Nilinaw din ni Willie na wala pa siyang kinakausap na artista para sa AMBS. “Hindi po totoo ‘yan. Ako po ang makikipag-usap kahit kanino at hindi ko iyan gagawin hangga’t nandito ako sa GMA 7, at wala pa kaming usapan kung ano ang deal namin ni Senator Manny Villar,” sabi pa niya.

Doon niya pinagdiinang kaya hindi siya pumipirma ng renewal dahil sa delicadeza. “Una, por delicadeza. Magsu-show ako sa GMA habang ako naman ho ay nagpaplano sa isang istasyon na kalaban ng GMA. Hindi ho tama iyon. Sa sobrang bait ho ng mga taga-GMA, sa sobrang bait na ipinapakita nila sa akin, hindi ko ho magagawa na traydurin sila,” sabi pa ni Willie.

Binigyan ang Wowowin ng sapat na oras para makapagpaalam nang maayos si Wilie at pasalamatan ang lahat na gusto niyang pasalamat lalo na si Atty. Felipe Gozon.

Tom, bawal tsikahin tungkol kay Carla

Limang loveteams ang ilulunsad ng Sparkle sa All-Out Sundays ngayong Linggo. Mga cute na bagets na minahal ang kanilang mga karakter sa drama series na ng Kapuso network.

Nabuo ang kanilang tambalan na nagustuhan ng fans, kaya na-develop ito at sinubaybayan.

Sa totoo lang, meron pa dapat na bagay ring isama sa ilulunsad sa AOS pero may kanya-kanya silang isyu na tiyak na lalabas din naman ‘yan.

Samantala, kasama pa rin mamaya sa AOS si Tom Rod­riguez na magaling naman kasi talagang kumanta. Kaya puwede na siyang mag-regular diyan sa totoo lang.

Maingat lang daw talaga sa taping nito dahil may nakabantay at hindi puwedeng lapitan, at baka tsikahin pa tungkol sa isyu nila ni Carla Abellana.

 

WILLIE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with