^

PSN Showbiz

Aktor, may tinatagong karelasyon sa probinsya!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Dalawang aktor ang nag-uusap. Sila ang mga lalaking Marites. Ang paksa nila ay ang kilalang male personality na mukhang nagsawa na sa ingay ng lungsod kaya mas pinili na lang niyang mamuhay nang tahimik sa isang hindi naman kalayuang probinsiya.

Sabi ni Actor A, “Talagang sarap na sarap na siyang mamuhay sa probinsiya, hano? Hindi ko kaya ‘yun! Hahanapin ko pa rin ang ingay ng Maynila!”

Sagot naman ni Actor B, “Masarap lang mamuhay sa ganu’n kalayong lugar na puro kuliglig-lupa lang ang naririnig mo kung marami kang pera!

“Gagastos ka pa rin kasi. Kakain ka araw-araw, may mga bills ka pa ring babayaran. Hindi ka rin makakatagal du’n kung wala kang enough money.”

Sultada ni Actor A, “Okey lang siguro kahit konti lang ang pera mo basta nandu’n ang nagpapaligaya sa iyo. ‘Yung nagagawa mo ang gusto mo na walang nakikialam sa iyo!”

Biglang sagot ni Actor B, “Bakit, may itinatago ba siyang boyfriend du’n sa probinsiya? Magka-live-in na ba sila ng karelasyon niya?”

Mas nagulat pa kunwari si Actor A, “Bakit mo sinabing boyfriend? Gay ba talaga siya?”

Sabi naman ni Actor B, “Magtigil ka nga! Nagulat ka pa kunwari! Alam mo namang beki siya, di ba? Naalala mo, kaibigan mo ang minsang nataypan niya, hindi nga lang siya pinagbigyan?”

Biglang suko si Actor A, “Oo nga pala! Naku, change topic na nga tayo!”

Ha! Ha! Ha! Ha!

Ubos!

Sikat na loveteam, laging talunan ang mga kandidato

Abalang-abala rin ang dalawang Marites ng showbiz sa pagtsitsismisan. Eleksiyon na naman. May raket uli ang mga artista. Pero wala nang entablado de kampanya ngayon.

Bawal dahil sa pandemya. Tataas na naman ang numero dahil hindi nasusunod ang mga health protocols.

Sabi ni Marites A, “Kung ako ang politician, never kong kukunin para sumuporta sa akin ang isang magkarelasyon at magka-loveteam! Malas sila!

Sundot ni Maritess B, “Baka naman? Sikat sila, di ba? Marami silang fans na iboboto rin ang sinusuportahan nila!”

Konklusyon ni Marites A, “Naku, wala silang naipanalong kahit sinong kandidato! Olats ang tinatayaan nila, Lotlot! Nakakaloka ang magka-loveteam na ito, sikat nga sila, pero kahit mismong kadugo na ng male personality, olats pa rin! Malas talaga sila!”

Ubos uli!

Willie, nagdilang anghel!

Malinaw na ang mga kuwentong malabo. Diretso na ang mga kumalat na isyung baluktot. Mismong si Willie Revillame ang nagpaliwanag kung bakit at paanong hindi na siya nag-renew ng kanyang kontrata sa GMA-7.

Napakalinaw. Prinsipyo at delicadeza ang ugat ng lahat. Hindi siya mapagsamantala, hindi siya sakim, lalong hindi siya traydor.

Ngayong tapos na ang kanyang kompromiso sa GMA-7 ay makakatulog na siya nang mahimbing. Wala na siyang masasaktan at masasagasaan. Wala na siyang dapat alalahanin.

Lantaran niyang inamin kay Mr. Felipe L. Gozon na malaki ang oportunidad na dumating sa kanyang karera na sana’y maunawaan ng network. Nagdilang-anghel si Willie dahil sa sagot ng tagapamuno ng GMA-7 sa kanyang sulat ay naiintindihan nito ang kanyang pinagdadaanan.

Napakaayos ng kanilang paghihiwalay, ramdam ng ating mga kababayan ang matinding lungkot ni Willie sa kanyang pagpapaalam, naging parehas at mabuti kasi sa kanya ang network.

Nilinaw rin ni Willie na walang sinusulot ang pamunuan ng Advanced Media Broadcasting System ng mga Villar. Wala pa silang pormal na napag-uusapan.

Ngayong mga darating na araw pa sila mu­ling uupo para pag-usapan ang lahat ng aspeto at detal­ye ng pagpapatakbo ng isang istasyon.

Ang biruan ngayon, kung si Toni Gonzaga raw ang personalidad na may mabahong imahe dahil sa pulitika ay si Willie Revillame naman ang may pinakamabangong imahe dahil siya ang pinagkatiwalaan ng pamilya Villar na mamahala sa kanilang bubuksang network.

Sabi ng kaibigan naming propesor, “May inkling ako na sa kanila na magseserbisyo si Toni Gonzaga. Wala lang, naisip ko lang, dahil sa mga nangyayari ngayon,” komento ni prop.

Magiging pinakaabalang personalidad si Willie sa mga darating na panahon, hindi siya magkakandaugaga sa mga detalyeng kailangan niyang asikasuhin, napakasolido talaga ng relasyong meron ang pamilya Villar at si Willie.

Kailanman ay hindi sila nag-iwanan, walang nasunog na tulay sa kanilang pagitan, panahon man ng eleksiyon o ordinar­yong araw lang.

Siguradong makakatanggap kami ng mensahe mula kay SOS na ganito ang sinasabi, “Loyalty is a virtue. Maganda kasi ang puso ni Kuya Wil, kaya siya pinagpapala.”

Na pasasalamatan naman namin.

MARITES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with