^

PSN Showbiz

Aga, nire-recruit na!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Aga, nire-recruit na!
Willie, Aga at Charlene
STAR/ File

Uy may isyung nagre-recruit na si Willie Revillame ng mga bibigyan ng programa sa Advanced Media Broadcasting System (AMBS).

At kasama sa diumano’y unang kinausap ni Willie, ang long time friend niyang si Aga Muhlach at ang wife nitong si Charlene Gonzalez.

“Masayang kwentuhan… Maraming salamat sa surpresang pag bisita samin, Wil !  #damingganap @itsmecharleneg,” post ni Aga kahapon.

Matibay ang friendship nina Aga at Willie since noong mga baguhan pa lang sila sa showbiz industry.

Anyway, hanggang Friday na lang sa Wowowin si Willie sa GMA 7.

Diumano’y ang veteran TV host na ang magti-take over sa Villar-owned network ngayon na eere sa dating frequency ng Channel 2.

Ang chika, may buyout diumanong magaganap pati sa bagong studio ng ABS-CBN sa Bulacan na inabutan ng pandemya at kawalan ng franchise at frequency ng network na ngayon ay concentrated sa pagiging content producer –  na ang latest venture ay ang partnership with YouTube para sa original series na How To Move On In 30 Days starring Carlo Aquino and Maris Racal, exclusively for YT.

Actually, malapit na ngang maging content creator agency ang ABS-CBN na napapanood sa TV5, Kapamilya Channel and A2Z ang ibang mga programa.

Sa Korea may ganun silang agency na hindi exclusive sa isang network lang kaya mas nagiging malawak ang number of reach.

Anyway, abangan natin kung totoong may test broadcast na ang AMBS sa Monday, Feb. 14.

vuukle comment

WILLIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with