^

PSN Showbiz

Malditang babaeng personalidad, nalaman na kung bakit inayawang katrabaho ng mga staff

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Nakarating na pala sa isang kilalang female personality ang mga dahilan kung bakit siya nawalan ng programa sa isang mala­king network. Isang kaibigan niya ang napilit ng female personality na sabihin sa kanya ang totoo.

Sa kapipilit niya ay nagpakatotoo na ang kanyang kaibigan, sinabi nito sa kanya ang mga dahilan kung bakit, nu’n lang nahimasmasan ang babaeng personalidad.

Kuwento ng aming source, “Gusto niyang malaman ang totoong dahilan, pilit siya nang pilit, kaya kumuda ang kausap niya! Una, maraming production people ang ayaw nang makipagtrabaho sa kanya.

 “Marami kasing reklamo sa kanya ang mismong staff niya. Pati ang mga make-up artist, hairdresser at guma­gawa ng outfit niya, nahihirapan na ring makipagtrabaho sa kanya!

 “Hindi siya marunong makisama, puro mali ng ibang tao ang hinahanap niya, maramot din siya sa pasasalamat sa mga taong pinadadali ang trabaho niya!” unang sultada ng aming source.

Naalala pa ng aming source ang ginawa ng female personality sa shooting ng isang pelikula. Bundok ang location. Ilang ilog ang tatawirin bago marating ang lugar.

Sabi ng aming source, “Nag-inarte siya, kailangan daw siyang ibili ng mga chichirya para lagi siyang gising na gising kahit abutin pa sila nang madaling-araw sa shooting.

 “Napakalayo sa bayan ng location, pagabi na, pero pinapunta pa rin ng production ang isang staff nila para bumili ng mga chichirya. Humahagok sa pagod ang bumili. Ilang ilog kasi ang tinawid niya.

 “Nu’ng ibigay na sa kanya ng staff ang mga chichirya, nagrelamo pa siya! Hindi raw ang mga ‘yun ang paborito niyang kainin! Nagdabog pa ang hitad!

 “Ganu’n siya kalala. Instead na magpasalamat, marami pa siyang kiyaw-kiyaw! Nag-iinarte pa siya! Ano, pababalikin pa niya uli sa bayan ang bumili kahit hatinggabi na?” naiinis na kuwento ng aming impormante.

Ngayon ay alam na niya ang totoo, maging leksiyon sana sa kanya ang mga pinaggagagawa niyang kaartehan, kahit saang istasyon siya magtrabaho ay isusuka talaga ang mga kaartehan niya at kawalan ng pakikisama sa mga katrabaho niya.

Panghuling komento ng aming source sa kanyang pagtatapos, “Dear darling, alam mo na ngayon ang mga dahilan! Alam na this!”

Ubos!

Willie, ayaw maging traydor

Gamit na gamit ang pangalan ni Anna Feliciano, choreographer ng Wowowin-Tutok-To-Win, sa mga kuwentong naglalabasan ngayon tungkol sa hindi na pagre-renew ng kontrata ni Willie Revillame sa GMA-7.

Fake account pala ‘yun, hindi si Anna ang nagpo-post ng mga detalye, halos magkandaiyak ito sa pagpapaliwanag kay Willie.

Simulan na natin ang mga detalyeng dapat lina­win at umpisahan. Hindi totoong ang GMA-7 ang hindi na nag-renew ng kontrata ni Willie, nu’ng nakaraang buwan pa niya dapat pinirmahan ang bago niyang kontrata, gusto na ngang ipadala na lang sa kanya ng isang TV executive ang dokumento para mapirmahan na niya at ibabalik na lang niya ‘yun na pirmado na.

Nagulat ang ehekutibong tumawag sa kanya nang sabihin ni Willie na hindi na siya magre-renew, napakaganda ng kanilang samahan, ano ang dahilan?

Lumagay sa tama si Willie. Prinsipyo ang pinairal niya. Ayaw niyang pir­mahan ang kontrata habang may ibang kampong kumakausap sa kanya.

Buung-buo ang kanyang desisyon, tatapusin na lang niya ang kanyang kontrata sa GMA-7 para makapag-isip siyang mabuti tungkol sa mga susunod na hakbang na gagawin niya, ayaw niyang mamangka sa dalawang ilog.

Ayaw niyang maging traydor sa GMA-7 na du’n pa rin siya nagseserbisyo, pero meron pala siyang kinakausap na iba, gusto niyang maging malinis ang kanyang kartada.

Hindi maitatago na nakikipag-usap sa kanya ang pamilya Villar, nu’ng Feb­ruary 2 ay nagsadya pa nga sa kanyang bahay sa Tagaytay sina da­ting Senador Manny Villar at Camille, pero wala pa siyang binibitiwang pangako.

Ang mahalaga ay walang masa­sabi ang GMA-7 sa anumang magi­ging hakbang niya sa mga susunod na panahon. Nilinis niya muna ang kanyang dadaanan bago siya magdesisyon.

Wala siyang pinaasa. Wala siyang tinraydor. Wala siyang pinagsinungalingan. Sabi nga, hindi tayo maaaring magserbisyo sa dalawang hari sa iisang panahon, ang katapatan ay sa isang kampo lamang.

Mapuso ang GMA-7. Sa kabila ng hindi na pagre-renew ng kontrata ni Willie Revillame ay binigyan pa siya ng marespetong pagkakataong makapagpaalam sa kanyang mga tagasuporta sa pinakahuling linggo niya sa istasyon.

Sa Biyernes magbibigay ng opisyal na pahayag si Willie Revillame tungkol sa kabuuang senaryo.

STAFF

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with