^

PSN Showbiz

‘I don’t intend to replace Raffy’ - Julius

Kimberly Vedad - Pilipino Star Ngayon

Umpisa na si Julius Babao sa kanyang bagong tahanan matapos pumirma ng kontrata sa Cignal at TV5.

Dumalo sa contract signing sina (L-R) Mediaquest Holdings Inc. Paralegal Atty. Amiel Arcangel, Cignal TV and TV5 President and CEO Robert P. Galang, Babao, and TV5 CFO Pierre S. Buhay.

Makakapalit siya ni Raffy Tulfo na kumakandidatong senador sa Frontline Pilipinas.

“It’s not only impossible, it’s also unfair. So, no, we don’t intend to replace Raffy with somebody like him. Raffy will continue with his cause to give public service as Julius will also with us,” aniya sa welcome conference para sa kanya ng Frontline Pilipinas kung saan umpisa bukas, Lunes ay makakasama na siya ni Cheryl Cosim.

Bagong Umaga, Asintado, La Vida Lena, at Huwag Kang Mangamba umarangkada sa Africa and Myanmar

Arangkada ang mga teleserye ng ABS-CBN sa iba’t ibang bansa ngayong 2022. Kabilang na rito ang Bagong Umaga at Asintado sa Africa at La Vida Lena at Huwag Kang Ma­ngamba sa Myanmar.

Tulad ng FPJ’s Ang Probinsyano, Sandugo, La Luna Sangre, at iba pa, palabas din sa StarTimes channel ang Bagong Umaga, na kilala rin bilang New Beginnings sa 41 na bansa sa Africa, kabilang ang Kenya, Ghana, at Madagascar.

Pinagbidahan nina Heaven Peralejo, Tony Labrusca, Barbie Imperial, Michelle Vito, Yves Flores, at Kiko Estrada, sinasalamin ng programa ang mga hamon ng anim na indibidwal sa kanilang buhay pag-ibig at pamilya.

Palabas din sa Africa ang action-drama series na Asintado nina Julia Montes, Shaina Magdayao, Aljur Abrenica, at Paulo Avelino, na sinubaybayan ang kwento ng magkaibang buhay ng nawalay na magkapatid na sina Juliana (Julia) at Samantha (Shaina).

Matapos pag-usapan at kuma­lap ng mataas na ratings ang programa sa ART channel ng La Réunion, pinalabas din ito sa Ivory Coast sa RTI 2 channel.

Ipapalabas naman ang primetime teleserye na La Vida Lena, na may pamagat na Maya Galeisar, sa Fortune TV ng Myanmar na ipinalabas kasabay ng huling linggo nito sa Pilipinas.

Pinangungunahan nina Erich Gonzales, JC de Vera, Kit Thompson, Carlo Aquino, Sofia Andres, Agot Isidro, Janice de Belen, at Raymond Bagatsing, tinunghayan gabi-gabi ng madla ang paghihiganti ni Magda/Lena (Erich) sa mga Narciso matapos sirain ang kanyang pamilya nang dahil sa negosyong sabon.

Samantala, katatapos lang sa Fortune TV ng teleseryeng Huwag Kang Mangamba o kilala sa Myanmar bilang Sann Kyae Thaww Kan Kyamar.  Pinagbidahan ng Gold Squad nina Andrea Brillantes, Francine Diaz, Kyle Echarri, at Seth Fedelin, tampok sa programa ang kanilang misyon na buhayin muli ang pananampalataya sa Diyos ng mga taga-Hermoso.

Maliban sa Africa at Asya, kilala rin sa iba pang dako ng mundo ang mga programa nila sa sa Ecuador, Peru, at Dominican Republic, Turkish at iba pa.

JULIUS BABAO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with