Aktres naibenta na ang mga ari-arian, namumuhay nANg simple sa ibang bansa
Ang nakasanayan na ay palaging hinahanap. Kapag nagkaroon ng pagbabago sa takbo ng buhay ay mahirap tanggapin ng taong kinasanayan na ang mga luho sa buhay.
Pero nakakayang tanggapin, dumarating ang puntong wala na siyang pamimilian, kaya dapat na lang niyang harapin ang katotohanan.
Ganu’n mismo ang naganap sa buhay ng isang kilalang female personality na sinuwerte sa kanyang karera. Para siyang produktong mabentang-mabenta nu’ng kasagsagan ng kanyang popularidad, sunud-sunod ang kanyang mga proyekto, kaliwa’t kanan ang dating sa kanya ng mga biyaya.
At hindi lang ‘yun, nagkaroon siya ng sideline na tatlong doble ng kanyang kinikita ang hatid sa loob lang nang ilang oras, kaya yumaman siya.
Kuwento ng aming source, “’Yung makipagkita lang siya sa interesadong businessman o kahit sinong milyonaryo sa kanya, may talent fee na agad ‘yun!
“Naniningil na siya, malaking datung ‘yun, daang libo! Wala pang kahit anong monkey business na nangyayari, ha? May TF na siya agad!” unang kuwento ng aming source.
Nagkaroon siya ng mansiyon, nakabili ng mga alahas na milyonaryo lang ang nakaka-afford na magkaroon, pabiyahe-biyahe rin siya kasama ang kanyang pamilya na sponsored siyempre ng kanyang kulukadidang.
Patuloy ng aming source, “Sobrang naging jetsetter siya nu’ng time na ‘yun, mabakante lang siya nang ilang araw sa shooting o taping niya, siguradong nasa ibang bansa na sila ng family niya, shopping galore na sila, nahihilo na nga siya sa kabibiyahe nu’n, e!
“Madalas siyang hindi natutulog sa mansiyon niya, naka-five-star hotel siya, du’n kasi sila nagtatagpo ng mga milyonaryong azucarera de papa niya! Magdamag siya du’n, pag-uwi niya kinabukasan, makapal na makapal na ang bulsa niya!
“Pero pana-panahon nga lang ang ganu’n, nu’ng nagbago na ang kurbada ng body niya, dumalang na rin ang sideline niya. Nagkakaedad na siya, napiga na ang mga juice niya sa katawan, kaya hindi na mabenta ang ganu’ng age sa merkado ng mga suma-sideline!
“Iba na ang buhay niya ngayon, wala man siyang kadatungan, masaya naman siya sa lalaking nagmamahal sa kanya. May anak na rin ang female personality, tahimik na silang namumuhay sa ibang bansa ngayon.
“Ibinenta niya ang mansiyon niya, ang sangkatutak na branded stuff na nagkaroon siya, ‘yun ang pinangsimula niya sa pagbabagong-buhay.
“Itinodo na niya ang lahat para sa matahimik na buhay na hindi siya nagkaroon nu’ng kasikatan niya, Todo na ito, sabi niya, money is not everything naman, but happiness is!” napapailing na pagtatapos ng aming source.
Ubos!
Mga nakaraan ni Gretchen, natabunan ng kanyang pagiging charitable
Ang anak-anakan naming si SOS ang nagbinyag kay Gretchen Barretto bilang Pandemic Goddess of Charity ang Philanthropy.
May basehan ang titulong ibinigay kay Gretchen, siya lang ang personalidad na napaka-consistent sa pagbabahagi ng mapusong tulong sa mga nangangailangan ngayong pandemya, wala siyang pinipili, lahat ng sektor ay inaayudahan niya.
Sabi pa ni SOS, “Beauty with a purpose ang peg niya. Kesa nga naman nakatengga lang ang milyones niya, might as well help the needy and less-fortunate nating mga kababayan.
“Siya na talaga ang karapat-dapat tawaging Pandemic Goddess of Charity and Philanthropy. Bravo! Long live Ms. Gretchen Barretto!” kumpletong mensahe ni SOS na pinasasalamatan namin.
Love boxes ang ipinamahagi nu’ng Kapaskuhan ni Gretchen, ngayon naman ay truck-truck na bigas para sa mga frontliners ang ipinadadala niya, meron din siyang ibinibigay na tulong-pampinansiyal sa maraming ospital.
Binura ng senaryong ito ang lahat ng mga hindi-kagandahang naganap sa buhay ni Gretchen nu’ng mga nakaraang panahon. Kasaysayan ng kabutihan ng kanyang puso ang malinaw na nakarehistro ngayon sa utak at puso ng ating mga kababayan.
Ipinagdiwang nila ni Tony “Boy” Cojuangco ang kanilang ikadalawampu’t walong taon ng pagmamahalan. Napakatibay ng kanilang pundasyon na hindi winasak ng kung anu-anong kontrobersiyang pinagitnaan ni Gretchen Barretto.
Kung ang tanong nu’n ng marami ay bakit siya ang pinili ng bilyonaryong businessman, ngayon ay iba na ang maririnig, “Kaya naman pala siya minahal at tinotoo ni Tony Boy, napakaganda pala ng puso niya!”
Ibang-iba ang mensaheng itinatawid ng busilak na puso sa pagtulong. Bumibiyahe ‘yun. Pinupuri.
- Latest