JC, ‘di nawalan ng bonding sa pamilya kahit naka-lock-in
Masayang-masaya si JC de Vera dahil naging bahagi at sa tagumpay ng La Vida Lena na pinagbibidahan ni Erich Gonzales.
Magtatapos na bukas ang naturang serye. “Very happy ako sa success na nakuha ng La Vida Lena and very, very happy ako do’n sa character na pinortray ko. I really enjoyed every bit of it. ‘Yung bawat eksena ko with such wonderful actors and ‘yung mga veteran na kasama namin dito na-enjoy ko talaga ‘yung bawat eksena na nakasama ko sila. It’s really fun working with everyone,” bungad ni JC.
Hindi naging madali para sa aktor ang ipinatupad na lock-in taping dahil nawalay pansamantala sa kanyang asawa at mag-aapat na taong gulang na anak. Hindi na raw nakikipag-bonding si JC sa mga kasamahan sa tuwing natatapos ang kanilang trabaho sa gabi. “Definitely I can do so much kasi nga nasa bubble ako. But the rest of the co-actors alam nila ‘to, every 10 p.m., hindi na ako sumasama sa bonding moments namin kasi kailangan ko na mag-video call sa baby ko kasi matutulog na siya. So ‘yon ‘yung naging routine ko no’ng nagsu-shoot. I just try na maging connected sa kanila. Buti na lang maganda ‘yung technology ngayon at may video call na. So any time na I want to talk to my family nakakausap ko naman sila and vice versa. Gano’n din ‘yung ginagawa nila sa akin, maya-maya tumatawag sila sa akin,” kwento ng aktor.
Barbie, mas gustong maging busy
Isa si Barbie Imperial sa mga hurado para sa Sexy Babe segment ng It’s Showtime. Ayon sa host ng programa na si Vice Ganda ay hindi raw nagdalawang-isip si Barbie na tanggapin ang alok upang mapabilang sa hurado ng segment. “Si Barbie no’ng tinawagan natin siya, nag-yes agad. Sabi ko, ‘Buti nag-yes agad.’ Sabi niya, ‘I wanna be busy.’ Itanong n’yo kung bakit gusto niyang maging busy lately. Ayaw niya kasi ng dull moments. Ayaw niya ng mga moments na wala siyang ginagawa tapos napag-iisip lang siya,” makahulugang kwento ni Vice.
“Wala lang, namo-move kasi ‘yung mga tapings. So Showtime,” maikling sagot naman ni Barbie.
Ngayong Sabado ay nakatakdang sumayaw ni Barbie sa programa. Puspusang paghahanda na umano ang ginagawa ng dalaga upang maging maayos ang kanyang production number. “Kaya nga po ako natanggal sa Girltrends kasi hindi ako magaling sumayaw eh,” nakangiting pahayag ng aktres.
“Ay! Okay lang, mag-isa ka na lang ngayon. Huwag kang mag-alala kung natanggal ka sa Girltrends kasi hindi ka magaling sumayaw. Sila din naman natanggal lahat, charot! Love natin ang Girltrends. Family natin ‘yan, joke, joke, joke lang,” masayang paglalahad ni Vice.
(Reports from JCC)
- Latest