Bagong TVC ng Tanduay, isang pagpupugay sa pagkakaibigan
Marami ang nakaka-relate sa bagong TV commercial ng Tanduay.
Sa TVC na All Light Lang, ipinakikita ang kahalagahan ng pagkakaibigan sa panahon ng mga pagsubok dala ng pandemya.
Kumbaga, anumang dinadala sa pang-araw-araw na pakikibaka, lahat ay gumagaan sa piling ng mga kaibigan.
Sa TVC, makikita ang bida na umaawit sa saliw ng tono ng Simpleng Tao ni Gloc9 at kung paano niya hinaharap ang buhay niya na puno ng disposisyon mula sa pagresolba sa ‘tech problems’, pagbabayad ng kanyang mga gastusin at sa pag-asikaso sa halos walang katapusang mga gawaing bahay.
Sa kabila ng mga pagsubok, nagagawa niyang itawid ang kanyang araw na may ngiti sa mga mata sa tulong ng mga kaibigang karamay. “Masakit sa ulo, pero light lang tayo,” ang mensahe ng kanyang mga kaibigan habang tumatagay sila ng Tanduay Light.
Ayon naman kay Marc Ngo, International Development Manager and Senior Brand Manager ng Tanduay, layunin ng kanilang kumpanya na ipadama ang kaaya-ayang karanasan at saya na hatid ng kanilang produkto sa nasabing TVC. “We want a material that will make viewers feel happy. With everything that’s happening now with the pandemic, we just wanted to share a good laugh, a great drink, and a fun experience. For a moment, we want the viewers to set aside the negativity and focus on a light moment shared with friends,” aniya.
Ayon nga sa awit: “Ang nagpapagaan ng lahat ng ito – ang tropa ko.”
Sa TVC, may mensahe ring gumagaan ang buhay kung matututo tayong dumulog sa mga kaibigan. Ika nga, “Gaan ng may kasama”.
- Latest