Male singer na malusog, matindi ang pinagdaraanang depresyon!
Kailangang may makausap nang madalas ang isang male personality dahil tinatalo ng emosyon ang kanyang isip. Depresyon ang umaatake sa kanya.
Ayon sa mga malapit sa male singer ay bigla na lang siyang napapaiyak nang hindi niya naman matumbok kung ano ang dahilan. Sobrang takot na takot siya sa mga nagaganap ngayong pandemya.
May mga nagpapayo na sa male singer para personal na makipagkita sa isang psychiatrist para paglinawin ang kanyang isip sa pinagdadaanan niya ngayon.
Hindi lang naman siya ang nawalan ng mga shows, dito o sa iba-ibang bansa man, halos lahat sila’y tinamaan ng problema at kawalan ng trabaho dahil sa pandemya.
Kuwento ng aming impormante, “Matindi ang depression niya, pinakamatindi na sigurong nangyari sa kanya ang ganito. Sobra na siyang takot na takot dahil paano nga naman ang career niya?
“Marami siyang tinutulungan, may mga umaasa sa kanya, ngayon pa nga lang, e, ramdam na niya ang sobrang takot, paano pa kaya kapag nagtagal pa ang pandemya?” unang hirit ng aming source.
Hindi dapat makausap ng male singer na ito ang mga tulad din niyang problemado ngayon sa kanilang hanapbuhay. Ang kailangan niyang makausap ay mga taong makapagbibigay sa kanya ng positibong pananaw.
Patuloy ng aming source, “Naku, mas matindi pa ang depression niya kapag ang nakausap niya, e, ang mga kaibigan at kasamahan niyang nawiwindang din ngayon tungkol sa career nila!
“Ano ang mangyayari, di mag-iiyakan lang sila? Sa halip na lumakas ang loob niya, e, mas magiging doble pa ang takot niya? Kailangan na talaga niya ang tulong ng psychiatrist. Du’n siya malilinawan, hindi lang naman sa kanya nangyayari ang ganyan!
“May isang kapwa male singer nga siya na literal na siya lang ang inaasahan, siya lang ang tumutustos sa family niya, pero malakas ang loob, hindi nagpapatalo sa anxiety at depression!
“Nasanay kasi ang male personality na depressed ngayon sa maraming shows, malaki ang kinikita niya, palagi siyang sagana sa buhay. Hindi niya inasahan na meron palang ganitong panahon na wala na ang ipon niya, pero wala pa ring pumapasok na trabaho sa kanya!
“Pero kahit sobrang depressed na ang male singer, e, hindi naman halatadong kinakapos siya ngayon. May kasyubaan kasi siya, hindi siya namamayat. ‘Yun ang malaking advantage ng male singer, napakinabangan niya ang katabaan niya ngayong pandemya!” pagtatapos ng aming impormante.
Ubos!
Kris, pinaliligaya ang mga karelasyon sa mga mamahaling gamit
Naturalesa na ni Kris Aquino ang pagreregalo. Kung sa kanyang mga kasamahang artista at kaibigan nga lang ay napaka-generous na ni Kris, bigay na siya nang bigay, paano pa kaya sa kanyang karelasyon?
Isa-isahin man natin ngayon ang mga nakarelasyon ni Kris ay hindi makapagdedenay ang mga ito tungkol sa pagiging generous niya.
‘Yun na kasi siya, kinalakihan na kasi niya ang kahiligan sa pagreregalo, maging sa kanyang mga kapatid at pamangkin ay bonggang-bonggang magregalo si Kris.
May isang masakit na komentong tinanggap si Kris dahil sa sinabi niya na binitbit daw lahat ni Mel Sarmiento ang mga branded stuff na iniregalo niya.
Komento ng kanyang hater-basher, “Ano, di lumabas din ang tunay na kulay mo? Kasi naman, dinadaan mo sa material things ang pakikipagrelasyon mo! Ang akala mo kasi, kapag binusog mo sila ng material things, e, hindi ka na iiwan!
“Hindi nabibili ang pag-ibig, Kris Aquino! Kung mahal ka talaga ng karelasyon mo, hindi ka iiwan! Pero walang tumatagal sa iyo!” kabuuang mensahe ng basher ng TV host.
Gusto lang pasayahin ni Kris ang kanyang mahal. Tulad din ng gusto niyang mapasaya ang mga kaibigan niya at katrabaho.
Saka pera niya naman ang ginagastos niya, hindi naman siya nakikialam sa pera ng iba, lalong wala naman siyang tinatapakan para lang mapasaya ang karelasyon niya.
Pero hindi rin natin maiaalis sa iba ang magkaroon ng kakaibang pananaw sa nakaugalian na ni Kris. Totoo nga namang hindi nabibili ang kaligayahan, ang mahimbing na tulog, ang kapayapaan ng kalooban.
Kung ang barometro nga naman ng pagmamahal ay dadaanin sa mga mamahaling regalo ay wala na dapat kumalas kay Kris. Pero ‘yun nga, wala siyang nagtatagal na karelasyon, palaging sa hiwalayan ‘yun nauuwi, kaya maraming nagsasabing walang forever para kay Kris Aquino.
- Latest