^

PSN Showbiz

Ali at Pat-P, pak ang tandem!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Ali at Pat-P, pak ang tandem!
Ali at Pat-P.

Ang ganda ng tandem nila Ali Sotto at Pat-P Daza airs weekday mornings, from 8 a.m. to 10 a.m. sa DZEC Radyo Agila 1062 and Eagle FM 95.5  at available for streaming over sa NET25 TV’s YouTube channel and Facebook page.

Kasi nga parehong masayahin at good sensible talkers kaya swak na swak agad silang magsama.

Parehong good natured at likas na mabait kaya siguro magaan magtrabaho ang dalawa.

Pareho pang masipag kaya naman ang gagandang lumalabas ng mga interview nila. Iba ang atake nila sa pakikipag-usap sa guests nila, feeling comfortable sila.

Mabuti rin na araw-araw napapanood ang programa nilang dalawa, kasi nga hindi ka mabibitin sa panonood mo sa kanila.

Walang boring moments at talagang very lively ang discussions nila on the air.

Congrats team Ali Sotto and Pat-P Daza, bongga kayo, at ang gaganda n’yo sa TV ha.

Heart, parang magic ang ginawa sa Paris

Totoo nga na bongga ang mga pictorial ni Heart Evangelista sa Paris ha.

To think na mag-isa siya, walang kasamang glam team, pero nagawa niyang rumam­pa ng ganun - bihis na bihis, fully made up at very fa­shionable, parang naka­kagulat talaga.

Imagine paano ka makapag-aayos ng ganun kung mag-isa ka lang, parang magic ‘di ba.

Baka naman umalis mag-isa si Heart pero may mga kasama siya pagda­ting sa Paris.

Or baka dun na siya nagpa-make up at iyon styling itinuro na sa kanya bago umalis ng Pilipinas kung paano gagawin.

In all fairness, ang ganda at talagang napaka-fashionable ni Heart sa kanyang mga pictorial sa Paris.

Para ngang parisian model na naglalakad sa Paris na kampanteng-kampante at confident na confident ha.

Nakaka-inggit dahil Paris iyon, at iba ang da­ting. Winner siya dun.

vuukle comment

ALI SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with