Dragon Boys, ipinakilala ng management team nila Bambbi Fuentes!
Parami na ang mina-manage na talents ng Dragon Artists Management nina Bambbi Fuentes and Ms. Cristine Areola.
Pagkatapos officially ipakilala ang grupong Gandaras, ipinakikilala nila ang male discoveries nilang sina Khai Flores, Leone Adriano, Esteven Dayrit and RJ Ariar na tinawag nilang Dragon Boys.
Si Khai ay more than a year na sa showbiz. Napanood siya sa Kadenang Ginto at nakatapos na siya ng tatlong pelikula na hindi pa napapalabas. Kasama rito ang horror film na dinirek ng batikang si Chito Roño, Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan starring Joshua Garcia. Kasama rin siya sa pelikulang Ang Huling Hibla kung saan siya gumaganap na isang deaf witness.
Malaki-laki naman ang role niya sa advocacy film na Sugat Sa Dugo. Gumaganap siya bilang AIDS victim starring veteran actress Janice de Belen. Ito ‘yung pelikulang nagpalano kay Janice bilang Best Actress sa International Film Festival Manhattan Autumn 2021.
Apo naman ni Rosanna Roces si Leone Adriano, 14 years old na pangarap din sumikat. Anak si Leone ni Onyok, ang eldest ni Rosanna.
Nakagawa na siya ng pelikula, ang Tuloy, Bukas ang Pinto, pero hindi pa rin napapalabas.
Tulad ng kanyang lola, gusto rin niyang magtagal sa showbiz na may family business na hina-handle ang mga magulang.
Marami nang sinabakang acting workshops si Esteven.
At nasubukan ang talent niya nang makasama rin siya sa award winning advocacy film na Sugat sa Dugo na inspired sa isang true life story na dinirek ni Danni Ugali.
Nanalo naman sa Mr. & Ms. Youth Philippines si RJ.
Pang-matinee idol din ang dating ng baguhang taga-Cavite. Madisiplina sa katawan si RJ kaya naman puwedeng panlaban sa mga sexy actor. Umaasa siyang magkakaroon na siya ng acting assignment para maipakita na ang natutunan niya sa acting workshops.
Maraming plano ang Dragon Artists Management sa Dragon Boys lalo na nga at medyo lumuluwag na ang quarantine restrictions.
Kamakailan lang inilunsad ng beauty expert na si Bambbi at businesswoman na si Ms. Tine ang kanilang management arm.
- Latest