^

PSN Showbiz

Nasa kasal pa nina Tom at Carla, Kelley ayaw tantanan!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Nasa kasal pa nina Tom at Carla, Kelley ayaw tantanan!
Kelley.

Apektado na rin ang pamilya ni Kelley Day sa patuloy na pamba-bash sa kanya kaugnay sa napapabalitang diumano’y hiwalayan nina Tom Rodriguez at Carla Abellana.

Kahit sinagot na ni Kelley na wala siyang kinalaman sa isyu ng mag-asawa, may mga lumalabas pa ring tsismis.

Baka na-misinterpret lang daw talaga ang closeness nila sa set ng The World Between Us, na hindi lang naman silang dalawa, kundi silang lahat.

Sa totoo lang, dumalo pa pala si Kelley sa wedding nina Tom at Carla, at mabait daw sa kanya ang aktres.

Hindi na rin nakapagpigil ang ina ni Kelley, pinapatulan na niya ang ibang bashers at sinasagot na niya ang mga ito.

May isang netizen na tinawag si Kelley na napakasama raw nitong tao at makakarma rin daw ang aktres pagdating ng panahon. Idol pa naman daw ito ng mga estudyante niya, na hindi raw niya matu-tolerate ang adultery at hindi raw niya ito ituturo sa personality development ng mga estudyante niya.

Halatang hindi totoo ang pinagsasabi nito, lalo na’t may ginawa pa siyang kuwento raw ng estudyante niyang naging janitress sa GMA 7 na sinigawan daw ito ni Kelley dahil sa hindi nalinis ang mesa niya.

Pero nag-react na mismo ang ina ni Kelley na grabe ito makapanghusga sa tao. Mismong si Kelley ay sumagot din sa kuwento ng netizen na ‘yun na meron daw itong sinigawan na janitress. Ani Kelley; “Never ako sumigaw sa isang janitress, kahit saan, sa buong buhay ko. I never had anything with Tom either. “I hope that when the truth comes out, your students will learn not to trust everything they read online.”

Nasa Tarlac ang ina ni Kelley, pero updated ito sa ginagawa ng anak niya sa London. Katatapos lang daw ng libing ng lola nito, at baka next week ay babalik na raw ng bansa ang beauty queen/actress.

Dingdong, na-challenge!

Talagang pinatunayan ni Dingdong Dantes ang galing niya bilang aktor dito sa mini-series niyang I Can See You: Alter-Nate.

Napakagaling niya rito lalo dun sa episode nila nung nakaraang Biyernes na kung saan ay napaamin na siya sa kanyang inang si Jackie Lou Blanco na nandun siya nang namatay ang kanyang amang ginampanan naman ni Ricky Davao.

Nagawa rin niyang ipakita ang kaibahan ng karakter ng kambal na sina Michael at Nate na magkaibang-magkaiba ang ugali.

Aminado naman ang GMA Primetime King na isa ito sa mahirap na ginawa niya. “Kung kaninong character ako mas nag-enjoy sa pagganap, I must say pareho, kasi siyempre mag-eksperimento ka dun sa isa, tapos ganun din sa isa. We were equally as difficult and as exciting to portray.”

Napabilib din siya sa leading lady niya rito na si Beauty Gonzalez dahil nagagawa rin niyang pag-ibahin ang atake depende kung sino sa kambal ang kaeksena niya. Naging madali na rin kay Dingdong ang alalay ng stand-in niya sa mga eksenang ginagawa niya. Ngayong araw ay ipapakilala ni Dingdong sa 24 Oras kung sino itong stand-in na ito.

KELLEY DAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with