Pagiging lasengga ni Kaila, lumala na
Mukhang nasa matinding peligro ang buhay ng magkapatid na Raven (Kaila Estrada) at Rica (Charlie Dizon) dahil makikita sa trailer nitong Biyernes (Enero 28) na mababangga sila ng sasakyan matapos magmaneho ni Raven nang naka-inom.
Kinompronta ni Raven si Rica sa Balai Arkitektura matapos niyang malaman na maghihiwalay na ang kanyang mga magulang at ni-reject siya ni Kyle (Joshua Garcia). Para sa kanya, kasalanan ni Rica ang lahat. Sinabi nga niya kay Rica na lumayo na ito sa buhay niya. Sa sobrang lungkot at kalasingan, naikwento pa niya kung paano siya maliitin ng ina at tingin niya ay hindi siya mahal ng ama. Sa kanyang pagpapatuloy, bigla siyang hinimatay.
Pinili ni Rica na alagaan si Raven sa kabilang ng kanilang hidwaan. Habang naghihintay, bigla na lang inabot sa kanya ng janitor ang telepono ni Raven at sinabing tumatawag si Troy (Jake Cuenca).
Sa kabilang banda, matapos nilang mag-away ni Troy, dumiretso si Audrey (Maxene Magalona) kay Bobby (Gian Magdangal) at sinabi nga niya na hihiwalayan na siya ni Troy. Ngunit mukhang nadala sila ng kani-kanilang emosyon at piniling magtalik.
Maaaring subaybayan ang Viral Scandal gabi-gabi ng 9:20 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, iWantTFC, WeTV iflix.
- Latest