^

PSN Showbiz

Debut album ni Gigi De Lana, punong-puno ng hugot

Pilipino Star Ngayon
Debut album ni Gigi De Lana, punong-puno ng hugot
Gigi De Lana.

Iba’t ibang feels ang mararamdaman sa kaka­lunsad lang na debut album ng breakout star na si Gigi De Lana na isa sa mga Bagong Taong handog ng Star Music.

Hatid ni Gigi at ng Gigi Vibes band ang kwento ng pag-ibig, pagkabigo, at pagbangon sa walong original songs ng album at dalawang bonus tracks.

“Sobrang andaming pinagdaanan. Andaming nangyari kung paano namin na-compose ang ang kanta, kung paano namin naprodyus ang mga kanta. Andaming ups and downs ng mga kanta namin na hindi namin akalain na eto na siya,” ani Gigi sa naging karanasan niya sa paggawa ng album.

Pinangungunahan ito ng key track na O Bakit Ba na isinulat niya kasama si Erwin Lacsa at tungkol sa masakit at paulit-ulit na pang-iiwan at pagbabalik ng isang minamahal. Siya rin ang sumulat ng isa pang kanta sa album na pinamagatang Letting Go, katulong naman sina Jon Cruz at Erin Justo.

Syempre hindi mawawala sa album ang debut single ni Gigi at tinaguriang break-up anthem na Sakalam at ang official soundtrack ng Viral Scandal series na pinamagatang Nasayo Ako. Kabilang din dito ang remake niya ng Bakit Nga Ba Mahal Kita na siyang theme song ng kanyang pinagbibidahang serye na Hello Heart katambal si Gerald Anderson na kasalukuyang napapanood sa iQiyi.

Tampok din sa pop-rock album ang mga kantang Bibitawan, First Night, Topak, Isang Idlip, at Huling Lapit.

“Gusto namin ipakita sa mga tao na ibinabalik namin ang pop-rock. Eto ang message namin sa album na ito, na maging totoo kung sino ka,” kwento ni Gigi sa halaga ng album para sa kanya at sa kanyang banda.

Maituturing na isa sa fastest-rising stars ngayon, tuluyang sumikat si Gigi sa kanyang online gigs kasama ang The Gigi Vibes nang mag-viral ang cover niya ng Bakit Nga Ba Mahal Kita. Bumida rin ang RISE Artists Studio talent sa 1MX Dubai 2021 at sa Gigi De Lana: Holiday Vibes digital concert para sa YouTube Music Night noong Disyembre.

vuukle comment

GIGI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with