^

PSN Showbiz

Lalaking personalidad, nasusuka ang mga kausap sa sobrang baho ng amoy ng katawan

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kuwento ng kabahuan ng isang kilalang male personality ang bitbit ng aming source. Kabahuang sumisigid sa kunsensiya. Kabahuang hindi kinaya ng kanyang kausap nang magkita sila sa isang party.

May kabahuang galing sa bibig ng male personality, pero mas matindi ang umaa­lingasaw na mabantot na singaw ng kanyang katawan, halos bumagsak na sa pagkahilo ang kausap niya.

Kuwento ng aming source, “Matindi pala talaga ang mabahong singaw ng katawan ng lalaking ‘yun! Hindi ‘yun kinaya ng isang taga-showbiz na nilapitan pa niya at binulungan sa isang party!

“Hinahanap ng kausap ng male personality kung saan nanggagaling ang mabahong amoy, malinis at mabango naman ang venue ng party!” biting simula ng aming impormante.

Saan ba galing ang mabahong amoy? Kung sa katawan nga mismo ng aktor ay bakit? Ano ba ang dahilan ng kabahuan ng kanyang katawan?

Patuloy ng aming source, “Di ba, napaka-conscious ng lalaking ‘yun sa katawan niya? Gusto niyang mapalaki ang kanyang muscles, kailangang meron siyang patung-patong na abs!

“Kailangang machung-macho ang katawan niya! So, para ma-achieve niya agad ‘yun, e, hindi lang gym ang inaasahan niya. May itinuturok din siyang something sa kanyang katawan.

“Mabilis nga naman niyang nakuha ang pinapangarap niya dahil nagdyi-gym na siya, may paturok pa!” kuwento uli ng aming source.

Mahaba pa sana ang gustong ipaliwanag ng male personality sa kanyang kausap pero hindi na nito kinakaya ang nakakasulasok na amoy ng bibig at katawan ng lalaking personalidad.

Isa pang detalye ng aming impormante, “So, habang salita nang salita ang male personality, e, paurong naman nang paurong ang kausap niya. Kumuha rin ng tissue paper sa table ang kausap niya, nagtakip na ng ilong!

“Dahil hindi na nga kinakaya ng kausap niya ang masyohong amoy, nag-goodbye na ang kausap niya, nagkunwaring aalis na, pero hindi pa rin naman pala. Lumipat lang siya ng lugar na malayo sa male personality!

“May mga babaeng nagkakaroon ng mabahong amoy dahil sa pagda-diet. Naaapektuhan ng mga gamot na iniinom nila ang kanilang hininga.

“Naku, baka nga isinasabay rin ng male personality ang pagda-diet sa pagdyi-gym niya at pagtuturok ng pampalaki ng katawan!” napakadiing pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Raffy, parang bata ‘pag kasama ang ina

May dalawang paboritong numero ngayon ang matapang pero mapusong news anchor na si Raffy Tulfo. Kapag may mga kababayan tayong humihingi ng tulong sa kanya ay bukas ang kanyang mga palad sa pagtulong.

Ang ibinibigay niyang halaga ay 59 thousand at 28 thousand. Nu’ng una ay hindi pa namin makuha ang dahilan kung bakit 59 at 28 ang mga nume­rong paborito niya.

Alam na namin ngayon. Ang kanyang numero pala sa balota sa darating na halalan bilang kandidatong senador ay 59. Ang numero naman ng ACT-CIS Party List ni Congresswoman Jocelyn Tulfo ay 28.

Nagmamarka nga naman ang dalawang numero sa ating mga kababayan. Napakasimple nga naman, hanapin lang sa balota ang mga numerong ‘yun, 59 at 28 at sapul na siya bilang senador at ang party list ng kanyang misis.

Napanood namin ang video ng pagdalaw ng pamilya ni Kuya Raffy kay Mommy Caring, ang kanyang inang mahigit na nobenta anyos na ngayon, napakasarap ng ngiti ng kanyang mommy nang makita ang pamilya.

Naalala pa namin ang pahayag ni Mommy Caring sa isang interbyu, tinanong ito ng reporter kung ano ang kanyang panalangin araw-araw sa kanyang mga anak na matatapang sa kanilang hanay, walang inuurungan ang Tulfo Brothers.

Ang sabi ni Mommy Caring, “Kapag paalis na sila ng bahay, tinititigan ko silang mabuti, baka kasi ‘yun na ang huli naming pagkikita. Pero palagi ko silang ipinagdadasal na sana, maging ligtas sila sa anumang kapahamakan.”

Mahal na mahal ng magkakapatid ang kanilang ina, basta meron silang oras na maluwag ay dumadalaw sila kay Mommy Caring, may lahing Japanese ang kanilang ina.

Nu’ng paalis na ang pamilya ni Kuya Raffy ay kitang-kita na ang lungkot kay Mommy Caring, lalo na’t nu’n lang nakita ng lola ang kanyang apo sa tuhod na si Grayson, anak nina Maricel at Attorney Garreth Tungol.

Sabi ni Kuya Raffy sa kanyang ina, “Mommy, aalis na po kami, ha? Basta, dadalaw uli kami, nagbilin na po ako sa nurse at caregiver n’yo. Mag-iingat po kayo palagi.”

Nu’ng mga sandaling ‘yun ay parang sanggol na nakapantalon ang matapang at mapusong news anchor. Hindi niya maiwan-iwan ng tingin ang kanyang ina, lingon siya nang lingon, hanggang sa makalabas na siya ng bahay.

Sinagot nu’n ang aming tanong. Kaya pala malapit ang puso niya sa matatandang nagsusumbong sa kanyang Wanted Sa Radyo. Kaya pala nagagalit siya sa mga anak na pabaya at walang pagmamahal sa kanilang magulang.

At kaya pala sinuwerte sa buhay at karera si Raffy Tulfo.

vuukle comment

RAFFY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with