^

PSN Showbiz

Paolo, mas komportable na sa lalaki

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Paolo, mas komportable na sa lalaki
Paolo.

Hindi naging mahirap para kay Paolo Gumabao ang makipaghalikan sa kapwa-lalaki sa pelikulang Sisid. Kasamang bida ng aktor sa naturang Boys’ Love movie si Vince Rillon. “Mas komportable ako at mas nadadalian ako kapag ang kissing scene ko ay lalaki. Kasi you don’t have to be that delicate. You can tell them na, ‘Uy! Bro, okay lang ba na gawin ko ito?’ Mas challenging sa babae because you have to be more careful. Siyempre, sila ay babae and we want to do our best to respect them. So mas madali para sa akin ang kissing scene sa lalaki. Mas carefree siya,” paliwanag ni Paolo.

Para sa aktor ay wala naman umanong pagkakaiba kung makipaghalikan ka sa babae o sa kapwa lalaki. “Ang kissing scene sa lalaki at kissing sa babae, parehas lang ‘yan. There’s no such thing as this is how to kiss a guy. This is how to kiss a girl. It just feels the same,” giit ng binata.

Si Brillante Mendoza ang gumawa ng naturang pelikula. Ayon sa premyadong direktor ay hindi lamang basta hubaran ang matutunghayan ng mga manonood nito dahil makabuluhan din ang bagong proyekto. “’Pag mapanood mo naman, hindi naman small time na film, hindi raket lang. Kasi nacha-challenge kasi ako eh. The more na merong restrictions, the more na gusto kong maging creative. Basta at the end of the day, ang gusto ko ang film ko, ‘yung gusto ko talaga. ‘Yung hindi ko talaga siya ikakahiya ‘pag namatay ako. Gusto ko part siya ng filmography ko,” pahayag ni direk Brillante.

Joko, nadalian sa paggawa ng pelikula ngayon

Naikumpara ni Joko Diaz kung paano gumawa ng pelikula noon at ngayon. Matatandaang nagsimula bilang batang aktor pa lamang noon si Joko hanggang nakilala bilang isang magaling na action star. “Malaki ang kinaibahan sa dati at ngayon. Usually kasi ‘pag gumagawa ka ng pelikula dati at action, magdadagdag ka ng mga dalawang milyon. Ngayon kumbaga may CGI (computer-generated imagery) na. Minsan hindi mo na kailangan mas­yadong maglagay ng effects kasi sila na bahala. Mas mabilis ang pelikula ngayon at saka hindi mahirap kasi hindi ka na magda-dubbing. On set kayo palagi dahil naka-lock-in kayo so it’s not hard. Umaga pa lang magga-grind na kayo, pagdating ng gabi papahinga na kayo. Hindi siya puyatan na aabutin kayo ng alas dos, alas kuwatro ng madaling araw. So parang mas masaya ngayon,” pagbabahagi ni Joko.

Sa loob ng mahigit tatlong dekada sa industriya ay naranasan na ng aktor maging bida at kontrabida sa mga proyekto. Ayon kay Joko ay magkaibang atake talaga ang kanyang ginagawa depende sa pangangailangan ng isang pelikula. “Siyempre ‘yung kontrabida roles medyo mabigat ‘yan eh. Actually ang atake diyan hindi katulad ng sa bida roles. Kasi ‘yung bida roles kailangan malumanay ka. ‘Yung sa character roles, medyo you can play with it. Pwedeng tahimik ka, pwedeng maingay ka, pwedeng galit ka palagi. So mas mahirap ‘yung character roles. Pero mas mabigat ‘pag ‘yung bida ka dahil ang dinadala mo ‘yung buong pelikula,” paliwanag ng aktor.

Kabilang ngayon si Joko sa pelikulang Hugas na pinagbibidahan nina AJ Raval at Sean de Guzman. Maaaring mapanood ang naturang digital film sa pamamagitan ng Vivamax. Reports from JCC

 

 

PAOLO GUMABAO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with