^

PSN Showbiz

Lalaking personalidad, hindi man lang naalala ang kaibigang namatay na dinikitan nung nag-uumpisa pa lang!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Ang nagbukas ng pintuan para maging artista ang isang lalaking personalidad na kilalang-kilala sa pinili niyang larangan nu’ng hindi pa siya sikat at milyonaryo ay isang male personality na kinaibigan niya.

Mas sikat nu’n ang male personality kesa sa kanya, kahit saan ito magpunta ay matindi ang pagkakagulo ng mga kababayan natin, nasaksihan ‘yun ng male personality na nangarap mag-artista.

Kuwento ng aming source, “Talagang dumikit siya sa male personality, naging sobrang close sila, hangggang sa isinali na siya sa lahat ng mga pelikulang ginagawa ng male personality.

“Natupad ang pangarap niyang maging artista, hindi man siya magaling umarte, at least, matatawag na rin siyang artista!” unang sultada ng aming source.

Madalas magpunta sa bahay ng sumikat na male personality ang bumibida sa ating kuwento. Nandu’n siya palagi. Nagbibilyar sila at naglalaban sa chess.

Pag-alala pa ng aming impormante, “Nakamagarang van na nu’n ang male personality, samantalang siya naman, e, lumang kotse lang ang ginagamit. Walang oras ang pagpunta niya sa bahay ng male personality.

“Umaga, tanghali, gabi. Kung minsan nga, umaga pa lang, e, nandu’n na siya, gabing-gabi na siyang umuuwi. Nagbababad talaga siya sa bahay ng male personality,” kuwento ng aming source.

Biglang nabaligtad ang sitwasyon. Sumikat nang husto ang male personality, biglang yaman siya, naging masasakitin naman ang kaibigan niyang male personality.

“Alam niya ang problema ng taong naging daan para maging artista siya. May tumawag pa nga sa kanya para sabihin ang mga nangyayari. Pero walang sagot, ni wala nga siyang tawag ng pangungumusta sa kaibigan niyang maysakit.

“Hanggang sa pumanaw na ang kaibigan niya. Malaking balita ‘yun na ikinalungkot ng mga kababayan natin. Ibinalita ‘yun sa mga tabloids, sa radyo at TV, pero kahit pagpaparamdam lang, walang nanggaling sa male personality.

“Kahit nga lantang bulaklak lang, e, hindi siya nagpadala sa burol. Takang-taka siyempre ang pamilya ng namatay kung bakit nagkaganu’n ang male personality.

“Nakalimot na siya, hindi na niya naaalala na natupad ang isang dream niya nang dahil sa taong pumanaw. Super-yaman na kasi siya, may upuan na sa gobyerno, sikat na sikat na siya.

“Kung nabubuhay pa ang male personality, e, isa lang ang kakantahin niya para sa sikat na lala­king nakikipag-agawan sa napakataas na posisyon ngayong halalan—‘Hindi ko kayang tanggapin.’ ‘Yun talaga ang title ng kanta,” malungkot na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Kris, sinorpresa ni Mel?!

Sumasargo na naman ang bilang ng mga tumutuligsa ngayon kay Kris Aquino. Ang pinakaugat ay ang pinakahuling post niya tungkol sa pagbabalikan nila ni Mel Sarmiento.

Opo. Nagkabalikan na nga sila. January 3 nang mag-post si Kris na tapos na ang kanilang relasyon pero hindi pa natatapos ang buwan ay heto, sila na uli.

Okey na ‘yun, hindi na namin kinukuwenta ang mga araw, kung ikabubuti ‘yun ng kalagayan ni Kris na tinatawag na medical emergency ay wala na ka­ming kuwestiyon.

Kay Kris na mismo nanggaling na nu’ng uma­gang magising siya na katabi si Mel ay nagpasalamat siya sa Diyos at sa kanyang pumanaw na kapatid na si P-Noy.

Salamat daw sa kanyang better man na sa halip na yurakan ang kanyang nakaraan ay ipinaglalaban pa siya. Minahal daw siya ni Mel bilang siya.

Kung ang pagbabalik ni G. Sarmiento ang makapagdadagdag sa timbang ni Kris ay sino pa ba naman ang hindi sasang-ayon du’n?

Kung ang pagbabalikan nila ang parang suwe­rong magpapalakas sa sitwasyon ni Kris na halos buto’t balat na ay salamat naman.

Wala na tayong magagawa kung pagkatapos niyang sabing “It’s not my loss” patungkol sa pulitiko ay heto at buo na naman ang kanilang pagmamahalan.

Komento nga ni SOS sa mga ba­shers at haters ni Kris, “We should not gloat over the misery of others. Hindi po tayo dapat magbunyi sa paghihirap ng ibang tao. Very un-Christian po ‘yun.”

Na totoong-totoo naman. Hindi tayo dapat nag-iisip ng masama sa ating kapwa kahit gaano pa natin kaayaw ang taong ‘yun. Panalangin ang unang dapat nating usalin.

Nagkabalikan man sila o hindi ni Mel Sarmiento ay patuloy pa rin naming ipagdarasal ang agarang paggaling ni Kris Aquino.

Dasal na sinsero ang kailangan niya ngayon at hindi paghusga.

KRIS

MEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with