^

PSN Showbiz

Babaeng personalidad, massive mag-shopping ‘pag nasa abroad!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Ibang-iba talaga ang atake ng mga masalapi. Hindi sila nanghihinayang sa kahit ano, kering-carry naman kasi nilang gumastos nang walang patumangga, kaya okey lang.

Ang tinutukoy ng aming impormante ay ang pamosong female personality na literal na nahihiga na sa salapi. Tungkol sa kanyang pagsi-shopping spree ang ikot ng istorya.

Unang kuwento ng aming source, “Di ba, maraming personalities na nagsi-shopping abroad ang nagtitipid hanggang magagawa nila? Kapag bumibili sila ng mga branded products, e, ipinatatanggal nila sa box, makadadagdag pa kasi ‘yun sa kanilang babayaran.

“Kapag nag-overweight nga naman ang kanilang mga bagahe, panibagong bayad na naman, kaya para makaiwas, hindi na nila isinasama pa ang kahon! Ibinabalot na lang nila ang produkto!” sabi ng aming source.

Pero ibang klase ang kilalang female personality, wala siyang pakialam sa overweight-overweight na ‘yun, kailangang naka-box ang lahat ng mga binibili niya.

“Ganu’n si ____(pangalan ng pamosong female personality), ayaw niyang wala sa box ang mga branded stuff na binibili niya! Kailangang nakakahon pa, mas mahirap kuno kapag wala na sa kahon.

“At hindi siya nagpapadala ng mga bagahe sa door-to-door, bitbit niya ang lahat ng mga sina-shopping niya sa biyahe! Kailangang kasabay niyang dumarating ang mga bagahe niya kapag umuuwi siya!

“At take note, nasa mahigit na fifty boxes ang bagahe niya. Binabayaran niya ‘yun, wala siyang pakialam sa dagdag na babayaran dahil sa dami ng mga bagahe niya!

“At ang nakakalokah pa, kapag bumibiyahe siya, e, isang maliit na maleta lang ang bitbit niya. Ang laman lang nu’n, e, ang isusuot niya kapag dumating na siya sa country na pupuntahan niya!

“Pang-isang suutan lang, dahil lahat ng isusuot niya habang nandu’n siya, e, puro bagong bili na. Shopping kung shopping na siya everyday!

“Isang maleta lang ang dala-dala niya sa pag-alis, pinakamaliit pa nga siguro niyang maleta ang bitbit niya, pero kapag umuuwi na siya, e, parang magtatayo na siya ng boutique sa dami ng mga bagahe niya!

“At kapag nag-a-unbox na siya ng mga pinamili niya, e, inaabot ‘yun nang isang araw! Sangdamakmak kasi ang pinagbibili niya. Mula umaga hanggang gabi, ‘yun lang ang inaatupag ng mga kasambahay niya!” mahabang kuwento pa ng aming source.

Hindi na ‘yun nakapagtataka, kahit nga sa kanyang pagreregalo ay nakakahon din ang mga produktong ipinami­migay niya, di ba naman?

Pahabol ng aming source, “Mismo! Love box kung love box ang datingan ng pagreregalo niya!”

Ubos!

Nora, consistent ang pananahimik tungkol kay Lotlot!

Maraming nagtatanong sa amin kung bakit walang kahit anong pahayag si Nora Aunor sa pinagpipistahang isyu ngayon tungkol sa kanilang mag-iina.

Nagsalita na raw ang kanyang mga anak, lalo na si Lotlot, pero bakit parang wala man lang salitang nanggagaling sa Superstar tungkol du’n?

At dahil walang anumang komento si Nora ay ang kanyang mga tagasuporta ang sumasagot para sa kanya, sila ang nagpapakain ng ampalaya kay Lotlot, ang tumatawag sa panganay na ampon ni Nora bilang walang utang na loob.

Kunsabagay ay sanay na ang publiko sa hindi masalitang Superstar. Kundi pa nga siya puntahan sa shooting o taping ng mga reporters para interbyuhin ay wala pa siyang lalabas na anumang publisidad.

Sinasadya siguro ng Superstar ang ganu’n, kung magsasalita nga naman siya ay mas lalawak pa ang isyu, samantalang kung mananahimik siya ay mabilis na mamamatay ang kontrobersiya.

Wala siyang anumang sasabihin ay wala rin siyang babawiin pagdating ng araw. Ipinagpapasa-Diyos na lang niya ang lahat.

Maganda ang ginagawa ni Nora. Wala siyang ipinauutang na salita, lalo na’t mga anak niya naman ang sangkot, ayaw niyang makasakit ng kalooban.

Pero hindi ganu’n ang mga Noranians, patuloy siyang ipinagtatanggol ng kanyang mga tagahanga, kundi raw tinanggap ng Superstar si Lotlot ay ano kaya ang buhay nito ngayon?

Sa apat na ampon ni Nora ay malambot ang puso ng mga Noranians kay Matet, matanaw raw ng utang na loob si Matetsky, dahil hindi ito nakalilimot na dumalaw sa kanyang kinagisnang ina.

“Ipinagluluto pa niya si Guy, basta may free time siya, agad nang nakadalaw sa mommy niya, napakalayo ng ugali niya kay Lotlot!” komento pa ng dating malapit sa Superstar.

Problema ‘yun ng mag-ina, hindi natin alam kung gaano kalalim ang na­ging dahilan ng kanilang paglalayo, pero siguradong isang araw ay magku­krus din ang landas nina Nora at Lotlot.

LOTLOT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with