^

PSN Showbiz

Dating The Voice Teens finalist, may alay para sa mga nami-miss ang minamahal

Pilipino Star Ngayon
Dating The Voice Teens finalist, may alay para sa mga nami-miss ang minamahal
Jeremy.

Tila may matinding pananabik para sa minamahal ang versatile musical charmer na si Jeremy G ngayong Bagong Taon na nilalaman ng kanyang bagong kantang Someday.

Ito rin ang unang komposisyon ng The Voice Teens Philippines season 1 finalist mula sa team ni Coach Sharon Cuneta na kumuha ng inspirasyon sa pagka-miss niya sa mga taong malalapit sa puso niya.

Ani Jeremy, “Sinulat ko ang ‘someday’ sa panahon na malayo sa akin ang mga pinamakamalapit na tao sa buhay ko. Dahil sa pandemya, hindi natin nakakapiling ang mga mahal natin sa buhay.”

Kaya inaalay ng Kapamilya singer ang awitin para sa mga taong nangungulila sa kanilang minamahal at umaasang magiging maayos din ang lahat balang araw. Siya mismo ang nagprodyus nito kasama si Star Pop label head Rox Santos.

Kasabay nito ang premiere ng music video sa ABS-CBN Star Music YouTube channel kung saan tampok si Magui Ford.

Pauna lamang ang Someday sa mga proyekto ni Jere­my ngayong 2022 na nakatakda ring maglabas ng kanyang all-original extended play (EP). Bibida rin siya sa Lyric and Beat, isang ABS-CBN at iQiyi production, kasama sina Darren Espanto, Angela Ken, Seth Fedelin, Andrea Brillantes, Sheena Belarmino, at AC Bonifacio.

Napapanood din siya sa kasalukuyan bilang mainstay ng ASAP Natin ‘To.

vuukle comment

THE VOICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with