^

PSN Showbiz

Paolo, sanay na sa laplapan sa kapwa lalaki“

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Paolo, sanay na sa laplapan sa kapwa lalaki�
Vince at Paolo
STAR/ File

Pareho lang sa akin kung ang kahalikan ay babae man o lalaki. Pareho lang namang halikan iyon eh. In fact mas madali nga sa lalaki kasi kahit na papaano puwede, lalaki naman iyon eh. Kung babae ang kahalikan mo siyempre kailangan mong intindihin at alalayan kasi babae iyon,” sabi ni Paolo Gumabao nang tanungin siya tungkol sa pakiki­pag-kissing scene sa babae at sa lalaki.

Doon nga sa pelikula niyang Sisid, may kahalikan siyang babae pero may kalaplapan din siyang lalaki.

Mukhang si Paolo nga yata ang masasabi mong “the more daring Gumabao.” Iyong kanyang kapatid na si Marco, daring din naman ang ginagawang roles, pero kung nagawa na ni Marco na magpakita ng puwet, nalabas na ni Paolo ng kanyang private part.

Kung nakipaglaplapan man si Marco sa kanyang leading ladies, si Paolo nagawa nang makipag­laplapan pati sa leading men.

Pero sa kabila nga noon, sino ba sa dalawang Gumabao ang sinasabing mas sikat?

Si Marco na naging leading man na ng mga sikat na leading ladies. Si Paolo naman, naka-partner na ng mga pinaka-bold na stars, lalaki man o babae.

Sino sa dalawa ang choice ninyo?

Nadine, wala pang sagot sa pagkukumpara kay James at kanyang current

May nabuo nang reputation si Nadine Lustre ng pagiging isang “talakera.” Talagang tinatalakan niya ang bashers na nagbibigay ng hindi magandang comments sa kanyang social media posts.

Tila nasanay siya sa nakagawian noong simula na protected siya talaga ang mga pra la la ng kanyang producers na kaunting pintas lang sa kanya ay may nakikipag-away na agad. Ni hindi na nga niya kailangang mag-react.

Nasanay rin siya sa fans nila ni James Reid noon. Kasi naman noon ang JaDine, right or wrong ay ipagtatanggol ang idols nila.

Si James, aminin man nila o hindi ay hindi na ganoon kapogi. Nag-mature na. Hindi na rin naman gano­on kainit ang popularidad dahil walang magandang assignment, at iyon namang kanyang music na siya niyang pinagbubuhusan ng panahon ngayon dahil wala namang ibang magawa mukhang wala ring matin­ding epekto sa music industry.

Si Nadine, parang ganundin ang nangyari. Nilayasan niya ang kanyang producers at naki­pagdemandahan pa. Wala rin naman palang mangyayari at babalik din.

Noong bago siya umalis, pinipilit pa siyang su­galan sa wholesome movies, eh nga­yon ano nga ba ang maaasahan niya eh luminya na sa sex movies na inilalabas sa internet ang Viva?

Pero ang inaasahan naming tatalakan nang husto ni Nadine, iyong sinasabi ng netizens matapos niyang ilabas ang pictures nila ng boyfriend niya ngayong si Christophe Bariou.

Sinasabi kasi ngayon ng netizens na kahit na nga raw sinasabi ng ilang mga kritiko na tila “napag­lipasan” na rin si James Reid, ‘di hamak namang pogi pa rin iyon kaysa sa ipinagmamalaking boyfriend niya ngayon.

Hindi pa naman siya tumatalak, pero aywan kung anong klaseng talak nga ang kanyang gagawin at siyempre hindi naman siya diyan ipagtatanggol ng Jadine fans.

Pero sana, tantanan na ni Nadine ang pagiging patola. Lumang style na ‘yun.

Matinee idol, pakalat-kalat sa mall na parang walang liguan

Parang nakakaawa naman ang isang matinee idol na nakasalubong naming palakad-lakad sa isang upscale mall na tila hindi na napapansin ng mga kasalubong niya.

Kung noong araw iyan, papasok siya sa mall na ganoon, dudumugin siya ng mga tao. Noong araw din kasi, basta nakita mo siya, cute at malinis.

Noong isang araw, para bang ang damit niya ay dalawang araw na niyang suot, at ang rubber shoes, hindi man lang yata nalabhan ng isang buwan na. Papaano nga ba siyang lalapitan ng mga tao?

Tapos pumasok siya sa isang Canadian coffee shop chain, mag-isang umiinom ng kape siguro naghihintay na may pumansin o “pumick-up” sa kanya, eh wala. Umalis siya at nagpalakad-lakad na naman sa loob ng mall.

vuukle comment

GUMABAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with