^

PSN Showbiz

Zanjoe, nabuhayan ng loob!

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Zanjoe, nabuhayan ng loob!
Zanjoe
STAR/ File

Simula sa Jan. 24 ay mapapanood na sa Kapamilya Channel ang The Broken Marriage Vow na pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria, Sue Ramirez at Zanjoe Marudo. Malaki ang pasasalamat ng aktor dahil nagkaroon pa rin ng isang magandang proyekto sa gitna ng kabi-kabilang problema. “May mga time na medyo down ako. Kasi ‘yon ‘yung time na medyo walang trabaho. Tapos nagsara pa ‘yung ABS-CBN, tapos pandemic. Hindi ko alam kung ano ang next move at kung ano pa ang pwedeng gawin. Parang nabuhayan ulit ako no’ng nabalitaan ko na gaganap ako bilang si David (Ilustre) sa napakalaki at napakagandang kwento. Ang galing ng ng blessing na ‘yon. Nasa right timing ‘pag inaantay mo talaga ‘yung magagandang bagay,” pagbabahagi ni Zanjoe.

Isang malaking karangalan para sa aktor na napagkatiwalaan siyang gumanap para sa naturang serye. “Napanood ko rin ‘yung ibang parts ng Korean at British series. Siyempre nabigla ako pero napakatagal ko na ring naghihintay ng isang maganda at napakalaking project at maging lead sa isang drama na pang primetime. Talagang sinunggaban ko at talagang trinabaho ko siya para maipakita ko na dapat lang na mapunta sa akin,” giit ng binata.

Matatandaang nagsimula si Zanjoe sa pag-arte sa telebisyon at pelikula pagkatapos maging Pinoy Big Brother housemate noong 2006. Ibang-iba raw ang bagong serye kumpara sa mga ibang nagawa ng aktor mula noon. “Malaking factor na nabigyan ako ng ganitong klaseng opportunity at project. Siguro tama ‘yung timing na kung kailan mature na ako sa ganitong klaseng trabaho at alam ko na kung anong kaya ko, alam ko na kung ano ‘yung gusto ko at hindi ko gusto. Tinanggap ko siya nang buong-buo at in-embrace ko talaga ‘yung opportunity at kung saan man ako dadalhin ng proyektong ito after maipalabas,” makahulugang pahayag ng aktor.

Shanaia, maraming natutunan kay Belle

Masayang-masaya si Shanaia Gomez dahil nagkaroon agad ng proyekto pagkalabas mula sa Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10. Nakilala bilang Ang Rising Darling ng Quezon City ang dalaga sa loob ng PBB house. Ngayon ay mapapanood si Shaina ng Click, Like, Share na pinagbibidahan ni Belle Mariano. Ayon sa baguhang aktres ay talagang marami siyang natutunan tungkol sa trabaho dahil kay Belle. “I loved working with Belle. She’s so great. She’s so fun and I feel like I learned a lot from her. Especially because this is my first acting experience and I’m with Belle. She’s super talented so siguro one thing that was a memorable moment is just watching her work is already enough for me. Just like watching her do her thing. It was really great,” pahayag ni Shanaia.

Para sa baguhang aktres ay maraming aral ang mapupulot ng mga manonood sa kanilang serye na may kinalaman sa paggamit ng social media. “It’s really relevant ngayon kasi naman everything is online. You see posts of these people online and you think they have a perfect life. So it’s really great way to understand that things really aren’t what they seem. And it talks about valuing your family, and why family is so important which I think is a really great thing to talk about,” paglalahad ng dating PBB housemate.

(Reports from JCC)

ZANJOE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with