^

PSN Showbiz

Kung matutuloy, Sunshine, pabor sa academic break

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Kung matutuloy, Sunshine, pabor sa academic break
Sunshine
STAR/ File

Pabor si Sunshine Cruz kung sakaling matuloy ang academic break.

“Mabuti kung may acade­mic break ang mga bata. Isipin mo the other day mahigit 30k ang nagkaroon ng COVID, at marami sa tinamaan fully vaccinated, mayroon pang nagpa-booster shot na. Hindi mo rin masasabing mild lang ang tatama sa iyo kung vaccinated ka,” umpisa ni Sunshine nang makausap ko siya.

“Nagka-covid na ako. Hindi grabe ang tumama sa akin kaya nga pinayagan akong mag-quarantine lang sa bahay. Pero napakahirap talaga at ang masakit doon hindi mo alam kung ano ang susunod na mangyayari.

“Nandoon lang ang mga anak ko, pero kaila­ngang sa telephone ko lang kausapin. Hindi mo puwedeng makaharap dahil naka-quarantine ka.
“Ang food mo ilalagay sa labas ng room, kukunin mo. Ang leftovers mo kailangang ihiwalay pati pagtatapon.  To think nangyari sa akin ‘yan vaccinated na ako. Kaya takot akong ma-infect sino man sa mga anak ko dahil alam ko kung gaano kahirap,” pag-aalala pa ni Sunshine.

Pero tuloy ang trabaho ng aktres.

“Lock-in naman ang taping namin, tapos may swab tuwing uuwi kami, kaya more or less alam mo namang safe ka. Pero kahit na anong sunod mo sa safety protocols, maghugas ka man ng kamay, gumamit ng alcohol, maski nakatulog kang may face mask, hindi mo masasabing hindi ka na mahahawa.

“Kaya ako talaga, naniniwala ako na kailangan magdasal na lang lagi at bahala na ang Diyos sa atin. Ginagawa na natin lahat ng magagawa natin. Everything na magagawa ng tao, at ng science ginawa na ganyan pa rin, kaya bahala na ang Diyos, hindi na natin alam ang kasunod eh.

“Ganoon naman lagi ang experience natin eh. Basta dumating na tayo doon sa ‘blank wall’ na hindi na natin alam kung ano ang gagawin natin, hindi naman tayo pababayaan ng Diyos,” dagdag niya.

Nagpapasalamat naman si Sunshine na mataas ang rating ng kanilang late night series sa GMA 7 ng Mano Po series.

AJ, nalagpasan na ang intriga sa lovelife

Bigla ngang natahimik ang lahat ng mga controversy na kinasangkutan ni AJ Raval. Ni hindi na halos napag-uusapan ang kayang lovelife.

Mukhang natapos na rin pagkatapos ng sexy film niyang sunud-sunod.

At ang panibagong controversy namang pinag-uusapan ngayon ay iyon daw matinding love scene na ginawa naman nila ng kanyang leading man sa pelikulang Hugas.

Ang kuwento ng pelikula ay tungkol sa isang sindikato na binalak takasan ng mga bida nang dumating ang panahong gusto na nilang magbagong buhay.

Maliwanag na iyon ay isang action picture, pero dahil bida nga si AJ, maaari bang walang sexy scenes?

Aminado naman si AJ na hindi niya maiiwasan ang sexy scenes dahil doon na siya nakilala, pero sinabi niyang mas gusto niyang makilala siya bilang action star dahil idol niya ang tatay niyang si Jeric Raval, na nakilala naman noon bilang isang action star.

Pero siyempre hindi naman biglaan ang ang pagbabago.

Aktor, nasaid ang pera ng bakla

Nakakaawa naman ang isang male star na hanggang nga­yon wala nang sinasabi tungkol sa kanya kundi ang kanyang pagiging gay noong high school pa siya sa isang public school sa Quezon City, at ang sinasabing panloloko niya sa isang gay na nagatasan niya nang malaking halaga.

Kung tutuusin ano nga ba ang kasalanan niya? Hindi naman niya kasalanan kung bakla siya. Hindi rin naman niya kasalanan kung kina­baliwan din siya ng isa pang bakla na nalustay ang pera dahil sa kanya.

Kasalanan na noong bakla iyon dahil siya ang naglustay ng sarili niyang pera.

AJ

SUNSHINE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with