^

PSN Showbiz

Aktor, flowers at scented candles lang ang nairegalo sa ex

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Mas generous sa current...

Regalo lang ang pinag-aawayan ngayon ng dalawang kampo. Sa isang panahon na ang akala ng marami ay tapos na ang labanan at parunggitan nila ay hindi pa pala.

Buhay na buhay pa rin pala ang upakan at pagkukumpara kahit pa pareho nang may kani-kanyang lovelife ang showbiz couple na biglang nagkahiwalay.

Kuwento ng aming source, “Naku, talagang ayaw matapus-tapos ng mga parinigang ‘yun! Maligaya na ang girl sa bago niyang boyfriend, ganu’n din ang male personality sa bago niyang girlfriend, pero meron pa rin pala silang mga hanash?

“Taon na ang nakalipas, nakapag-move-on na ang nagkahiwalay na magkarelasyon, pero maiinit pa rin pala ang mga fans nila? Tuloy pa rin pala ang laban?” gulat na unang reaksiyon ng aming source.

Regalo nga lang ang pinagsimulan ng kanilang giyera. Pinatunayan kuno ng male personality na mas mahal nito ang kanyang kasalukuyang girlfriend kesa sa kanyang ex.

Sabi ng aming source, “’Yun lang ‘yun! Ganu’n lang kasimple ang naging reason ng mga balitaktakan ng magkabilang kampo! Napakamahal daw ng regalong watch ng male personality sa GF niya ngayon!

“E, ‘yung ex daw ba niya, ganu’n din kamahal na regalo ang ibinigay ng male personality? Hanggang flowers at scented candles lang daw ang give ng lalaki sa ex niya!

“Nakakaloka! Pati ba naman sa regalo, meron pa ring comparison? Kailangan bang maging basis ng love ang regalo lang? Natural, hindi nagpatalo ang kampo ng ex niya! Kaya raw naman kasing bumili ng mamahaling watch ng idolo nila, dahil madatung!

“Hindi raw kailangang regaluhan ng male personality ang ex niya, dahil ang mas madalas pa ngang mangyari nu’ng sila pa, e, ang girl ang nagreregalo sa guy!

“At ‘yun nga ang masakit, sabi pa ng mga faney ng ex ng male personality, ibinigay na nga sa kanya ang lahat-lahat, pero nakuha pa niyang lokohin ang girl!

“Nagkaroon pa ng ghosting, di ba naman? Naku, kani-kanyang effort ang magkabilang kampo para idepensa ang mga idolo nila! Naging materia­listic tuloy ang temang pinag-aawayan nila!

“Sabi pa ng isang fan ng ex, ‘Bakit, kapag mahal ba ang regalo, magkaiba na ang oras sa hindi kamahalan? Mas mauuna ba siya sa pupuntahan dahil expensive ang watch na regalo sa kanya?’

“Nakakaloka sila! Regalo lang ‘yun, ha, regalo lang! Pero sapat na para sila magbangayan!” napapailing na pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Willie, dinaig pa ang pulitikong mahilig mangako

Milagroso talaga ang mga kamay ni Willie Revillame. Linggo nang umaga ay kausap lang namin siya. Abalang-abala siya sa pakikipag-usap sa mga ehekutibo ng GMA-7 para sa plano niyang mag-live show sa Tagaytay.

Napakahalagang magkaroon sila ng mga equipments na sasapat sa gagawin nilang remote show, SNG ang kailangan nila, satellite network gathering.

Kailangan din niyang alamin kung ligtas ang kanyang production staff na makakasama sa remote, positibo ang karamihan sa kanyang mga kasamahan, kaya sila nag-replay sa buong linggo ng Wowowin-Tutok-To-Win.

Lunes nang hapon ay ayun na si Willie, live nang nagpoprograma mula sa Iruhin, ang kanyang malawak na bakuran sa Tagaytay kung saan nandu’n ang kanyang mansiyon at mga ipinagagawang villa.

Hindi talaga siya tumigil hanggang hindi niya nakumpleto ang mga kailangan, plano niyang mag-show nang live sa Tagaytay nang isang buwan, awang-awa siya sa mga kababayan nating nabibiyayaan ng kanyang show sa pamamagitan lang ng pagtawag.

“Hindi talaga ako sanay na wala akong ginagawa. Maghapon kong inasikaso ang mga kailangan, lalo na ang SNG, ‘yun ang magbabato ng show sa GMA-7, saka mapapanood naman ng mga kababayan natin.

“Una, naaawa ako sa mga nabibigyan namin ng thirty thousand sa bawat tawag, lalo na ang mga sinalanta ng bagyo. Mala­king tulong ‘yun sa kanila ngayong pandemya.

“Nakipagtawaran ako sa mga owners ng mga kagamitan. Talagang nakiusap ako sa kanila para makatulong lang sa mga kababayan natin. Mababait at mapuso ang mga nakausap ko, pumayag sila, ‘yun na lang daw ang tulong na maibibigay nila sa mga nangangailangan,” kuwento ni Willie.

Nasa background niya ang Taal Lake, kitang-kita rin ang bulkang-Taal, hindi pa kumpleto ang mga ilaw pero napakaganda ng pinili niyang lugar sa Iruhin para ganapin ang kanyang show.

Ang tao talaga kapag gustong makatulong ay hahamakin ang kahit ano para matuloy lang. Hindi tumigil si Willie hanggang hindi siya nakaere nu’ng Lunes nang hapon. Marami pang kulang pero ang pinakamahalaga ay marami siyang natawagan para mabigyan ng ayuda.

Daig pa niya ang mga pulitikong pangako nang pangako ng langit at lupa pero napapako naman. Naniniwala kasi si Willie na walang imposible kung matibay ang disposisyon ng lahat.

Puso, hindi nguso, ganu’n lang kasimple ‘yun.

WILLIE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with