The Broken Marriage Vow poster, tinawag a pang-international
Pinag-usapan at pinaulanan ng papuri ng netizens ang official poster ng Kapamilya drama series na The Broken Marriage Vow, ang paparating na Philippine adaptation ng Doctor Foster na pinagbibidahan ni Jodi Sta. Maria at mapapanood na sa iba’t ibang platforms simula ngayong Enero 24.
Tinawag na “pang-international” ang naturang poster kung saan makikita ang mukha ni Jodi sa isang basag na salamin, habang may pulang hugis-rosas sa gitna kung saan nakalagay ang mukha nina Zanjoe Marudo, Sue Ramirez, at Zaijian Jaranilla. Likha ito ng artist na si Justin Besana, ang nagdidisenyo rin ng mga poster ng digitally restored movies ng ABS-CBN Film Restoration.
Iikot ang kwento ng The Broken Marriage Vow kay Dra. Jill Ilustre (Jodi), na lalamunin ng kapraningan at galit sa oras na malaman niyang pinagtataksilan siya ng asawang si David (Zanjoe Marudo) at ng kabit nitong si Lexy (Sue Ramirez). Guguho ang mundo ni Jill dahil malalaman niyang niloloko din siya ng mga kaibigan nilang may alam tungkol sa pambababae ni David ngunit tinatago ito mula sa kanya. Masisira rin ang masayang pamilya nina Jill at David dahil lubos na maaapektuhan ang anak nilang si Gio (Zaijian Jaranilla).
Sina Concepcion Macatuno at Andoy Ranay ang mga direktor nito, kung saan mapapanood din sina Jane Oineza, Angeli Bayani, Bianca Manalo, Ketchup Eusebio, Rachel Alejandro, Art Acuña, Empress Shuck, Joem Bascon, Brent Manalo, Malou Crisologo, Franco Laurel, Sandino Martin, Lao Rodriguez, Jet Gaitan, Jie Anne Armero, Migs Almendras, Avery Clyde, and JB Agustin, kasama ang special participation nina Susan Africa at Ronnie Lazaro.
Mapapanood ito umpisa sa Enero 24, 8:40 p.m. sa Kapamilya Channel, TV5, A2Z, Kapamilya Online Live sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel at Facebook page, iWantTFC, at TFC.
Bunso nina Ryan at Juday, may sariling desisyon na!
Ang cute ng chika ni Judy Ann Santos tungkol sa birthday celebration ng bunso nila ni Ryan Agoncillo na si Luna.
Ito mismo raw ang namili ng theme ng kanyang 6th birthday celebration, ang Roblox, na character sa online game.
Everything daw sa nasabing home celebration nila, si Luna ang nakaisip.
“Our baby girl .. months before her bday, chose her own theme, visited pinterest app for the design of her own cake and piñata, decided what types of food she wants from mcdo, and chose the designs of our matchy matchy shirts. “ yep! Wala na kaming ibang ginawa kundi orderin at bayaran. ‘ that’s our 6 year old baby girl… super independent, smart, funny, sweet, loving lunnie bunny.. happy birthday our dearest potpot.. we love you with all our heart.”? mommy and daddy will be with you every single step of the way.”
Showbiz, mas apektado ng bagong variant
FDCP National Registry, magdaraos ng mga libreng workshop
Magdaraos ang National Registry (NR) ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ng mga serye ng libreng acting workshop para sa mga background actor, talent, professional actor, director, at writer na rehistrado sa National Registry.
Ito ay upang palakasin ang film workers at maging madali sa kanila ang magkaroon ng trabaho.
Ang workshop na magsisimula sa Pebrero ay pangungunahan ni Star Magic director at acting coach Rahyan Carlos at kanyang team.
Ang FDCP NR Acting Workshop Series ay may tatlong-bahagi na ginawa para sa mga nakarehistro sa ilalim ng National Registry for Audiovisual Workers (NRAW) kung saan ang bawat workshop ay nakatuon sa pangangailangan ng isang partikular na grupo.
Ang unang bahagi ng workshop, na gaganapin next month, ay nakatuon sa mga background actor at talent, ang ikalawang bahagi naman ay para sa mga professional actor na naging bahagi na ng kahit isang full-length feature film bilang supporting o lead actor, at ang huling bahagi ay ang acting workshop para sa mga nasa production, partikular na sa mga director, producer, at writer.
Gaganapin ito online via Zoom kasunod ng mga face-to-face workshop bilang paghahanda para sa Showcase Night.
“Last year, the Agency successfully vaccinated more than 5,000 local film workers with the help of the Quezon City and City of Manila Government. Now that film and television shoots are resuming and the industry is becoming competitive, we need to equip our film and audiovisual workers with the skills that they can utilize. Capacity-building workshops such as acting are vital in this industry,” sabi ni FDCP Chairperson at CEO Liza Diño.
Maaaring magrehistro at gumawa ng account ang mga interesadong lumahok sa pamamagitan ng link na ito: https://nationalregistry.fdcp.ph/steps-to-apply/nraw.
Sana nga pagkatapos ng nasabing acting workshops ay patapos na rin ang pandemya para magamit naman nila ang kanilang matututunan.
Ngayon kasi, ang showbiz talaga ang kasama sa matinding napuruhan ng pandemya dahil sa limitadong galaw at sarado pa rin ang maraming sinehan.
May ibang nag-reopen na itinaon sa Metro Manila Film Festival (MMFF) nung Pasko pero sadly, hindi pinasok dahil sa Omicron na ang bilis nakapanghawa kaya everyday ay pataas nang pataas ang new positive cases kaya kakaunti ang naglakas ng loob na manood ng sine.
Though sabi ay may mga nanonood ng Spider-Man kahapon.
Anyway, kung aakyat sa alert level 4, malamang magsara na naman ang mga sinehan dahil kahapon ay all time high na 26,458 new cases.
- Latest