^

PSN Showbiz

Kapuso actor na si Kevin Santos, inililihim ang kasal

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

As of presstime, hindi pa namin nakuha ang buong detalye ng ginaganap na kasal ng Kapuso actor Kevin Santos at ng kanyang non-showbiz fiancée.

Masyadong tahimik si Kevin at hindi naman kasi siya ma-showbiz na tao, kaya mas gusto niyang ilihim na lang ang kanyang pagpapakasal.

Nasagap lang naming Jan. 5 daw ang kanilang pag-iisang dibdib sa isang civil wedding ceremony.

Hanggang dun lang ang nakuha naming impormasyon, at kinukuha pa namin ang buong detalye, dahil ayaw raw talaga ni Kevin na i-share muna itong mahalagang araw ng kanyang buhay.

Congratulations kay Kevin na naayos ang buhay. Nag-focus siya sa trabaho, kaya hindi naman siya nawawalan ng show sa GMA 7.

Nung nagsimula ang pandemya, hindi siya nagpabaya, itinuloy ang pag-aaral at nakapagtapos siya. Isa na siyang piloto, pero tuloy pa rin ang pag-aartista niya.

Nasa tamang edad na rin siya para malagay sa tahimik, at nakapag-ipon kaya pinakasalan na raw ang long-time girlfriend

Taping ng regular shows, pahirapan sa Omicron

Medyo pahirapan ngayon sa tapings ng mga  regular show sa TV. Ang dami na namang nagpa-positive sa COVID-19 dahil sa pagkalat nitong Omicron virus.

Pero hindi naman puwedeng matakot at magmukmok na lang kaya tuloy pa rin ang trabaho.

Naghahanda na ngayon ang buong team ng All-Out Sundays sa pagbabalik live nila sa darating na Linggo.

Dalangin lang nila na wala sanang may mag-positive para hindi mapilay ang mga production numbers na pinaghandaan.

Medyo bumaba ang rating ng mga programa sa TV nung nakaraang linggo kaya kahit sa mga commercial load ay bumaba rin.

Pero unti-unti nang nakakabawi at ang GMA 7 pa rin naman ang namamayagpag sa ere, kaya ang daming mga bagong programang aabangan sa taong 2022.

Nagsimula na nung Lunes ang Mano Po Legacy, at maganda ang feedback at nag-trending pa ito.

Mas tumitindi naman ang mga action scenes ni Alden Richards sa The World Between Us.

Bukas na rin magtatapos ang madramang The End of Us nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi sa Stories From the Heart.

Naka-11.2 percent ito nung nakaraang Lunes, na mas mataas pa sa I Left My Heart in Sorsogon na 10.7 percent.

Ang isa pang nakakatuwa ay ang bagong sitcom ni John Lloyd Cruz sa GMA 7 na Happy ToGetHer na nagsimula nung nakaraang Dec. 26.

Maganda ang rating nung pilot episode nito na kung saan ay special guest nila si Jasmine Curtis Smith. Naka-12 percent ito, at tumaas pa nung nakaraang Linggo na naka-13.1 percent. Mas aliw itong huling episode niya na si Faith da Silva naman ang kanilang special guest.

KEVIN SANTOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with