^

PSN Showbiz

Mga sinalanta ng bagyong Odette, patuloy na dinarayo ng tulong

Kimberly Vedad - Pilipino Star Ngayon
Mga sinalanta ng bagyong Odette, patuloy na dinarayo ng tulong

MANILA, Philippines — Mayroon nang 33,709 pamilyang naapektuhan ng bagyong Odette ang naabutan na ng tulong sa pamamagitan ng ABS-CBN Foundation Sagip Kapamilya, na patuloy pa rin ang relief operations sa mga lugar na nasalanta.

Kabilang sa mga tumanggap ng relief packs kamakailan lang ang 1,141 pamilya sa San Francisco, Southern Leyte, kung saan 2,000 indibidwal din ang nabigyan ng mainit na pagkain mula sa Mobile Kitchen.

Sa Cebu naman, 136 pamilya mula sa San Roque, Liberon Carcar Marigondon Evacuation Center, Lapu Lapu Bankal Elementary School ang nahatiran ng food aid habang sampung komunidad ang binigyan ng water purification equipment mula sa Adtel para makagamit ng malinis na tubig.

Aabot din sa 2,100 pamilya sa iba-ibang barangay sa Surigao City ang tumanggap ng relief packs, gayundin ang 5,000 pamilya sa San Joaquin, Iloilo at Tobias Fornier at Anini-y sa Antique.

Una na ring nakarating ang ABS-CBN Foundation at ang ABS-CBN News Public Service team sa La Libertad, Negros Occidental na lubha ring tinamaan ng bagyo.

Sa panayam sa TV Patrol, ibinahagi ng residente na si Jonalin Tulisana ang damdamin matapos magdiwang ng Pasko sa evacuation center.

“Basta kumpleto lang ang pamilya namin, tapos wala sa amin nasaktan. Buo pa rin kami. Kahit may bagyo man, buo pa rin kami sa Pasko.”

 Nagpasalamat din siya sa natanggap na tulong.

Patuloy ang pag-iikot ng ABS-CBN Foundation lalo na at marami pa ring mga pamilya ang naghihintay at umaasa sa tulong matapos ang trahedyang sinapit. Anumang halaga ay malaki ang matutulong sa kanila.

 Tumatanggap pa rin sila ng  mga donasyon sa kanilang BDO (0039302-14711), BPI (4221-0000-27), PNB (1263-7000-4128), GCash, PayMaya, at PayPal accounts. Para naman sa international donations, pumunta lamang sa abscbnfoundation.org. 

vuukle comment

TYPHOON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with