Enchong, tahimik pa rin sa P1 bilyon na kaso
Hinihintay ng lahat ngayong 2022 ang next move ni Enchong Dee sa cyber libel na kinakaharap niya.
Nanatili pa rin kasing tahimik ang actor matapos umakyat sa Davao Occidental prosecutor’s office ang cyber libel complaint na inihain ni Party-list Rep. Claudine Bautista-Lim ng Drivers United for Mass Progress and Equal Rights (DUMPER) dahil sa diumano’y “malicious” at “mapanirang-puri” na mga post niya sa social media sa grand wedding noong Hulyo ng kongresistang galing sa mayamang pamilya.
Isang bilyon ang halaga ng ikinaso ni Rep. Claudine – moral damages P500 million and “exemplary damages” P500 million.
Maging aral kaya ito sa mga mahilig magbigay ng opinion sa social media na hindi naman nila alam minsan ang backstory?
- Latest