^

PSN Showbiz

#2022getherSaNET25, may pa-raffle na kotse, cellphones at cash!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
#2022getherSaNET25, may pa-raffle na kotse, cellphones at cash!

Naging matagumpay ang isinagawang year-end countdown ng Net 25 na ginanap sa Philippine Arena.

Last year, dahil sa ipinatutupad na restrictions ay wala silang ganitong presentasyon.

Bukod sa hatid na saya ng live performances ay may mga mapipiling winner din sa kanilang promo na Selfie with the Agila promo.

At sosyal sila, habang nanonood ang netizens / televie­wers ng naturang programa ay may pa-raffle sila isang brand new car, iPhone 13 at Samsung S21 phone.

Bukod diyan may cash prizes din... Limang winners ng P100,000, dalawang winners ng P50,000, limang winners ng P25,000, 25 winners ng P10,000, at 25 winners naman ng P5,000.

At ang mga nanalo sa ‘Selfie with the Agila’ promo ay iaanunsyo sa mga programang Kada Umaga at Ano Sa Palagay N’yo (ASPN) nina Ali Sotto at Pat-P Daza.

Unang nag-perform on stage sa #2022ge­therSaNET25 si Callalily frontman Kean Cipriano kasama ang kanyang banda, sinundan ito ng Magandang Dilag  hitmaker na si JM Bales, ang actor-singer na si Ruru Madrid, ang rapper na si Rapido, ang acoustic singer na si Princess Velasco at ang South Border lead vocalist na si Jay Durias. Nagkaroon din sila ng duet ng With a Smile ni Maureen Schrijvers.

Nagpakitang gilas naman sa dance floor sa saliw ng mga sikat na tiktok dance craze sina Athena Madrid, Jon Lucas at Ms. Emma Tiglao.

Present din sa Philippine Arena ang cast ng Quizon CT na sina Eric Quizon, Epi Quizon, Vandolph Quizon, kasama si Jenny Quizon.

Ang naturang pagsalubong sa bagong taon ay pinangunahan ng Kada Umaga morning show hosts na sina Pia Guanio-Mago, Emma Tiglao, Maureen Schrijvers, Tonipet Gaba at Wej Cudiam at kasama rin si Alex Calleja.

Tumagal din ng mahigit 30 minutes ang fireworks display... Isa rin sa highlight ng naturang pailaw ay ang lumilipad na ‘Agila’.

Isinara naman ng performances ng bandang Mayonnaise ang ginanap na masayang year-end countdown.

Wow talagang mukhang mas palalakasin this year ang Net 25 ng Eagle Broadcasting Corporation.

Napapanood din sa Net 25 ang mga programa nina Aga Muhlach and Robin Padilla, at may mga naka-line up na silang mga bagong programa.

EB, balik-studio sa bagong taon

Wow, live kahapon ang Eat Bulaga kasama sina Tito, Vic and Joey.

Pati sina Pauleen at Tali, andun.

Na tradisyon nilang mag-live tuwing New Year though ang tagal nilang nag-work from home ngayong pandemic.

Sayang talaga, pa-normal na sana, pero biglang lumobo ang may infection na inaasahang mas darami pa dahil sa natapos na Holiday rush.

Parang wala na kasi talagang pandemya bago nag-Pasko. Dagsa ang tao kahit saan at nakalimutan na ang health protocol.

Meron pang nag-violate ng quarantine requirement na maraming nahawa – si Gwyneth Chua – na sinasabing may omicron kaya mabilis na nakapanghawa.

Nakilalang Poblacion Girl si Ms. Chua at super trending pa sa social media dahil sa panghahawa though wala pa raw resulta ang genome sequencing para kumpirmahin kung omicron nga ito.

Kaya we’re back to 30% indoor and 50% outdoor.

Nawala na naman ang pag-asang maramdaman ang normalcy dahil na rin sa ugali ng marami.

Alert Level 3 nga ang bansa from Jan. 3 until Jan. 15.

ARENA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with