^

PSN Showbiz

Julia, hindi na masyadong bumibili ng sapatos at bag dahil sa mga bayarin sa bahay

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Julia, hindi na masyadong bumibili ng sapatos at bag dahil sa mga bayarin sa bahay
Julia
STAR/ File

Ngayong 2022 na ay mapangahas na Julia Barretto ang matutunghayan ng mga manonood sa pelikulang Expensive Candy. Isang sex worker ang gagampanan ng aktres sa naturang proyekto. “I’m so excited for everybody to see this. It’s something that I’ve never done before. I’d like to believe it’s a coming of age film. I play Candy, she’s a sex worker, and Carlo Aquino plays a school teacher. He falls in love with her and that’s where the love story begins. It’s very exciting,” nakangiting pahayag ni Julia.

Tatlong taon na ang nakalilipas nang umalis ang aktres sa poder ng inang si Marjorie Barretto. Mag-isang naninirahan ngayon si Julia sa bagong bahay na kanyang naipundar.

Maraming mga bagay na raw ang natutunan ng dalaga mula noong nakalipat sa sarili nitong bahay. “Hindi na ako ‘yung before na parang every week may bago akong sapatos, may bago akong bag, hindi na ako gano’n. Napupunta na lang sa electric bills, sa amortization dues. Now because I live alone already, ngayon ko na-value ‘yung pera, ‘yung oras, ‘yung energy na binibigay mo. So ngayon, P200, P500, P1,000, ang mahal na sa akin no’n kasi naba-value ko na siya because nakikita ko na ‘yung bills ko. Ako na ‘yung nagbabayad kasi hindi na si mom,” kwento ng dalaga.

Hindi na bago para kay Julia ang makaranas ng online bashing.

Para sa aktres ay hindi na dapat pinagtutuunan ng pansin ang mga negatibong komentong ibinabato ng netizens sa kanya. “Hindi ko pinapayagan na mangibabaw ang stress at negativity because again, hindi nakakaganda. Always count your blessings and focus on the things that are happening in your life. Especially now na hindi natin alam kung anong mangyayari bukas. So as much as possible, I just want to enjoy what I have and the people around me,” pagtatapos ng aktres.

Seth, may pakiusap sa mga botante

Sa halip na isipin ang mga hindi magandang pangyayari noong isang taon ay mas pinagtutuunan ng pansin ni Seth Fedelin ang mga positibong bagay. Ayon sa aktor ay mas mabuti na ang mga magagandang pangyayari na lamang ang kanyang iniisip palagi. “Ang 2021 ko kasi hindi naman naging perpekto. Meron pa ring pandemic, at least meron pa rin akong natatanggap galing sa itaas. Mas pinapahalagahan ko ‘yung mga natatanggap kong blessings, ‘yung mga magagandang dumadating sa buhay ko,” pagbabahagi ni Seth.

Umaasa ang binata na mas magiging maayos na ang sitwasyon ng bansa kahit hindi pa rin nawawala ang pan­demya. “Gusto ko sana maging taon ko rin ang 2022. Sana maging maayos para sa ating lahat and ‘yung covid na ‘yan, siguro nandiyan na ‘yan. Siguro mas magiging responsible lang ang mga tao, natuto na tayong lahat. Sigu­ro ang 2020 at 2021 kinalabit lang tayo ni God. So 2022 magiging okay ang lahat at naniniwala ako do’n na magiging maayos,” giit niya.

Mayroong mensahe si Seth para sa lahat ng botante ngayong nalalapit na ang eleksyon sa bansa. “Guys, huwag tayo tatanggap ng P500. Mapapalitan ng bilyon ‘yan. Huwag natin sayangin ‘yung limang daan na ‘yon. Payamanin natin ‘yung sarili nating moral. Huwag na natin payamanin ‘yung kung sino man diyan,” makahulugang pahayag ng aktor.  (Reports from JCC)

MARJORIE BARRETO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with