Lorna, ‘di nakakalimot sa regalo
Si Lorna Tolentino yata ang talagang kahit anong mangyari, talagang naghahanda ng mga regalo every year sa regular friends.
Kahit pa nga sabihin ko na puwede nang wala dahil nga pandemic naman at ang trabaho lang niya ay FPJ’s Ang Probinsyano, hayun pa rin siya at gustung-gusto nagsusulat ng card at nagbabalot ng regalo.
Para rin si Rudy Fernandez noon na basta may okasyon, hindi nakakalimot magbigay ng kahit ano, basta dapat meron siyang ibibigay na regalo. Kaya rin siguro magaan ang blessings kay Lorna, dahil magaan din ang palad niya sa pagbibigay.
At dahil Dec. 23 ang birthday niya, malapit sa Pasko kaya enjoy siya sa pagbibigay ng regalo.
Katuwa nga na heto at kasali si Lorna sa mga hanggang ngayon nagpapadala pa rin ng gifts. Bongga siya, parang babaeng Santa Claus.
Happy New Year talaga para sa kanya.
Dingdong, multimedia star na rin
Dahil sa size ni Dingdong Dantes, bagay na bagay sa kanya ang action roles, Salve. Matangkad, matipuno ang katawan, at mabilis din ang kilos ni Dingdong kaya believable siya sa action scenes.
Ang laki na rin ng improvement ni Dingdong sa hosting, kaya naman multimedia star na rin siya, at kayang-kaya magdala ng show.
Noon pa man kita mo na ang dedication ni Dingdong sa career niya, kaya naman hindi nakapagtataka na solid ang standing niya at hanggang ngayon nasa top pa rin siya.
Isang bagay about Dingdong, mabait siya at marunong makisama kaya naman gustung-gusto siya ng mga katrabaho niya.
Dingdong Dantes, sure ako hanggang next year ganun pa rin ka-busy ang trabaho niya dahil nga sa kanyang magandang image at mahusay na trabaho.
Winner siya every year bilang pinaka-busy actor. Bongga talaga.
- Latest