Marvin, nag-sorry sa mga pinerwisyo noong Pasko!
Ubusan na ang lechon ngayon pa lang, para sa New Year.
Lalo na ang cochinillo na isa si Marvin Agustin sa mga naunang nag-negosyo.
Na hindi mura, almost P10K ang halaga or more pa, depende kung saan ka oorder.
Parang ito yata ang ‘status symbol’ ng Christmas at ngayong New Year.
Kaya naman overflowing ang order last Christmas kaya Marvin.
Pero nagka-problema ang aktor at kinansela ang mga confirmed order sa kanyang social media account - ng last minute.
Humingi na siya ng sorry sa kanyang mga na-perwisyo.
“My worst Christmas. I will learn from this.
“I’m very sorry, everyone.
“Napakahalaga ng Pasko sa atin, lalo na sa rami nang pinagdaanan natin ngayong nakaraang taon kung kaya’t napakasakit para sa akin na madami kaming mga taong naperwisyo kahapon at ngayong araw na ‘to,” sabi niya sa mahabang instagram post the other day.
“I am very sorry to each one of you. Maling-mali na nagpa-overwhelm kami sa mga ‘di inasahang problema, nagkulang kami sa aming serbisyo at hindi namin agad-agad na natugunan ang inyong mga katanungan. At masakit man yung mga nababasa ko, tinatanggap ko lahat kasi talagang nagkamali ako.
“Sana mabigyan ninyo ako ng pagkakataon maipakita na hindi ko pagkatao ang magbigay ng problema o hirap sa kahit na kanino.
“I had a series of unfortunate incidents from our kitchen equipments breaking down, a glitch in our ordering system, and last minute cancellations of couriers due to unforeseen reasons.
“Alam kong hindi ito excuse not to give you the service you deserve and expect. Lalo na sa mga araw na halos tatlong buwang pinaghandaan ng bawat pamilyang Pilipino kung kaya’t napakahalagang huwag magkamali.
“My team and I have reached out to some of you, the people I’ve caused terrible inconvenience and an awful experience during the most important and special occasion of the year.”
Dinagdag pa niyang lahat ng kanilang naperwisyo ay makakatanggap ng message mula sa kanila at nag-iipon lang ng information para maayos ang mga pangyayari.
“ I promise each one of you, we will do better,” pagtatapos ng post niya.
Disabled na ang comment section ng actor / restaurant owner two days ago pa dahil nga sa flooding na reklamo sa nangyari sa kanilang order last Christmas na umasang makakakain ng litson with matching pictorial sana pero nganga ang kapalaran.
Matagal nang nagne-negosyo ng cochinillo si Marvin at sa mga post niya parang ang sarap talaga. Pero ‘yun nga lang, kailangan mo talagang pag-ipunan dahil hindi siya mura.
Turutot, bawal na
Grabe bawal na rin ang turutot.
Kung noon nga ay ito ang safest para mag-ingay sa pagsalubong ng bagong taon, hindi na ngayong pandemya dahil baka raw sa pag-ihip mo ay may virus na pala ang kasama sa gumamit nito.
Bawal din ang maraming paputok. Kaya mas advisable na magdasal na lang.
- Latest