^

PSN Showbiz

Sherilyn, naluha sa sinabi ng anak

Ruel Mendoza - Pilipino Star Ngayon

Hindi napigilan ni Sherilyn Reyes na maluha sa mensahe ng anak niyang si Ryle Santiago.

Lagi raw sinasabi ni Ryle sa kanyang ina na huwag nitong isipin na kasalanan nito kung bakit nasa financial crisis ang pamilya nila ngayon.

“Ma, it’s not your fault. We’re in a tight spot now but never ever think na we blame you or iiwan ka namin. We’re in it together and we’ll get out of it together,” sey ni Ryle.

Sagot ni Sherilyn: “I’m really blessed to have them. Wala akong naririnig na sumbat. Kaya kailangan kong magpakabait.”

Inamin ni Sherilyn na na-swindle sila ng mister niya ng kanilang partner sa negosyo at nagkautang sila ng milyones. Buwan-buwan daw ay malaki ang binabayaran nila sa utang na hindi naman sa kanila.

Heto ang nasabi noon ni Sherilyn: “Sa kasamaang palad, na-swindle ako last year. Masaklap pero buong pamilya ko ay lumalaban araw-araw at gumagapang para mabayaran ang utang na ‘di naman amin. Pera na itinakbo ng iba, pera na sana ay magiging seguridad ng mga anak ko sa kanilang kinabukasan. Na araw-araw kulang na lang isigaw mo ang dasal mong sana matapos na ang problemang hindi naman dapat sa ‘yo, pero dahil maayos kang tao, inaako mo at ng pamilya mo.”

Halle Berry, naaksidente sa madugong eksena

Kinuwento ng Oscar winner na si Halle Berry na napuruhan ang dalawang ribs niya habang sinu-shoot ang isang madugong eksena ng directorial debut niya na Bruised.

Bukod sa pagdidirek, bida rin si Halle sa Bruised.

Nangyari raw ang aksidente kay Halle sa fight scene nila ng aktres na si Valentina Shevchenko. Kahit ramdam na ng aktres ang sakit, tinuloy lang daw nila ang eksena dahil ayaw niyang ma-shut down ang production.

“When you are an actor and you do your own stunts, it’s par for the course. I wouldn’t have it any other way.

“As a first-time director, you put yourself out in a brand-new way. It’s your baby and you want it be received in the way in which you intended it to be received,” diin pa niya.

Bruised is currently streaming on Netflix.

Baguhang aktres, pasok sa programa ni John Lloyd

Hindi makapaniwala ang baguhang Kapuso actress na si Jenzel Angeles na kasama niya sa isang sitcom si John Lloyd Cruz. Gaganap si Jenzel bilang Rocky, ang maganda at mataray na convenience store clerk sa Happy To GetHer. Nag-audition daw si Jenzel para sa sitcom na walang expectation na mapipili siya.

Isang karangalan daw para kay Jenzel na makatrabaho si JLC pati na ang kanilang direktor na si Edgar “Bobot” Mortiz.

“Si John Lloyd kahit busy siya, ‘pag may free time siya, nakikisama siya. Nakikipagkuwentuhan siya sa amin, ayun so parang mabilis na ‘yung chemistry nung team ‘pag nagsu-shoot kasi medyo close na rin kami lahat,” sabi ni Jenzel.

Lumabas din si Jenzel sa mga GMA teleserye na The Cure, Onanay, Kara Mia, The Better Woman, I Left My Heart in Sorsogon at sa Philippine version ng Descendants of the Sun.

SHERILYN REYES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with