Igi Boy, certified gamer
Kabilang si Igi Boy Flores sa pelikulang Love At First Stream na mapapanood na simula bukas.
Pinagbibidahan ang naturang Metro Manila Film Festival entry nina Daniela Stranner, Jeremiah Lisbo, Kaori Oinuma at Anthony Jennings. Masarap umano sa pakiramdam ni Igi Boy na nakatrabaho ang mga baguhang artista ngayon. “Sobrang fulfilling no’n. Feeling ko kasi for the past few recent series na mga nagawa ko siyempre ang mga nakasama ko ay mga love teams eh. Sa generation namin like KathNiel, LizQuen and JoshLia. So nakakatuwa lang na ngayon pati ‘yung mga new generation ng love teams nakakasama na rin ako pero not as a friend or best friend but as a kuya na. Super exciting, kuya na ako,” nakangiting pahayag ni Igi Boy.
Ayon sa binata ay malapit talaga sa kanyang puso ang karakter bilang isang live streamer sa bagong pelikula dahil hilig din niya ang streaming sa tunay buhay. “Gamer kasi talaga ako, so streaming talaga for me. Pero meron kasi akong mga ideas, pero hindi naman kasi vlog ‘yung ginawa ko sa channel ko. Pero kapag hobbies talaga and sa games, gaming streaming talaga ‘yung ginagawa ko and super happy ako do’n. Kasi you have fun doing what you want and kumbaga nakakakuha ka din ng gifts and ‘yung kasama din sa niche ko, ‘yung sa community ko, and nagkikita-kita kami. Nalalaman ‘yung mga kapareho ng mga trip ko,” pagbabahagi ng aktor.
Ricci, noon pa gustong maging artista
Bilang baguhan pa lamang sa pag-arte ay tanggap na ni Ricci Rivero na mayroon pa siyang mga kailangang patunayan sa show business. Bida ang sikat na basketbolista sa pelikulang Happy Times na napapanood na ngayon sa Upstream.ph. “Lahat naman tayo for sure, we improve everyday. As much as possible, we accept our mistakes and shortcomings in life. Kung hindi natin siya tatanggapin, mas mahihirapan tayong mag-improve as a person. Everyday naman, kapag may mistakes ako, sinasabihan ko ang mga taong kasama ko na sabihan ako. Wala namang perfect. All of us may pinagdadaanan but of course, dapat alam din natin paano siya iha-handle properly the best way possible,” paliwanag ni Ricci.
Noong naglalaro pa lamang ng basketball ay talagang pinangarap din ng binata na subukan ang pagiging artista. “I always wanted something new to do. I always get attracted with Tagalog films. I enjoy watching Tagalog films. When I was told I could work with showbiz stars, na-enjoy ko na siya. I’m really into learning something new. I’m always open to whatever craft I pursue. I want to try so many things. I listen to the people around me then I always try to improve myself. At first it was really hard,” kwento ng baguhang aktor. (Reports from JCC)
- Latest