^

PSN Showbiz

Male TV host, kakasuhan sa double selling ng bahay!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Balak nang kasuhan ng isang mayamang negosyante ang kilalang male TV host dahil sa tingin niya ay involved din ito sa panloloko sa kanya sa bahay na ibinenta nito.

Halos tatlong taon na raw ang nakaraan nang binili ni mayamang biyuda ang lupa’t bahay na pag-aari nitong si male TV host.

Kaagad silang nagkasundo at nagkabayaran na. Huli na lang nalaman nung nakabili na naibenta rin pala sa iba ang bahay na ‘yun. Double selling daw ang tawag nila na ikinaloka nung dalawang nakabili.

Hindi lang ganun kalinaw, pero sa pagkakaintindi ko sa kuwento sa akin, sa isang ahente nakipag-negotiate si negosyante at nandun naman si male TV host nang tinanggap ang bayad.

Pero lingid sa kanyang kaalaman, naibenta na rin pala ang bahay na ‘yun ng nanay ng asawa ni male TV host.

Parang nung umaga lang daw nagbayad ‘yung isang nakabili at itong si mayamang negosyante ay bandang hapon din nagbayad kay male TV host.

Ang ikinaloka raw niya, bakit hindi sinabi ni male TV host na naibenta na pala ang bahay na ‘yun, pagkatapos ibinenta pa rin sa kanya.

Bandang huli na lang nalaman nung dalawang nakabili na pareho silang nakunan ng pambayad para sa bahay na ‘yun.

Ang palusot daw ni male TV host, hindi raw niya alam ang unang transaksyon na ginawa ng kanyang biyenan.

Kaya idedemanda na lang daw niya ito kung hindi raw ibabalik sa kanya ang ibinayad niya sa bahay na ‘yun, dahil mukhang itong si mayamang negosyante ang dehado sa kung kanino mapupunta ang bahay, dahil technically, siya ang huling nakabili ng bahay.

Pursigido na si mayamang negosyanteng idemanda na lang itong si male TV host kung hindi niya ito maayos.

Pelikula ni direk Joel na laglag sa MMFF, matapang ang kuwento

Nanghinayang si direk Joel Lamangan dahil hindi nakapasok sa Metro Manila Film Festival ang pelikula niyang Ang Huling Baklang Birhen sa Balat-Lupa, kaya nag-focus na muna siya sa paggawa ng iba pang pelikula.

Katatapos lang niya ng Madawag ang Landas Patungong Pag-asa, pero ang isa pang natapos na rin ay ang Walker na ipinagmamalaki niya dahil nagawa niya rito ang gusto niyang gawin at iparating sa mga manonood.

Mabuti at napasama ako sa nag-preview nito sa Gateway Cinema nung nakaraang Miyerkules at nawindang ako sa naturang pelikula.

Sabi ko nga sa kanya, ito talaga ang tatak Joel Lamangan.

Sinulat ito ni Troy Espiritu na kuwento ng isang mahirap na pamilya na kung saan ang Nanay na dating pokpok na inilalako ng sarili rin niyang nanay ay napilitan na ring ‘ipa-walk’ o padyokad ang sariling anak dahil sa matinding kahirapan.

Sinimulan ang naturang pelikula na ang background ay ang speech ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagsasalita tungkol sa kahirapan ng ating bayan, at nagagalit pa siya sa mga mahihirap.

Sa pelikulang ito ay ipinakita ang pang-aabuso ng mga kapulisan na sila mismo ay involved din sa ilang kriminalidad.

Sabi ni direk Joel, itong Walker ay hindi para magbigay ng entertainment kundi ipamulat sa mga manonood na nangyayari sa ating paligid.

Sa panahon ngayon, hindi raw ganun kadaling gawin itong pelikula lalo na’t kung walang katiyakang maipapalabas ito sa mga sinehan.

Pero ang unang naiisip nila ay isali raw muna nila sa mga international film festivals. “Ako, lakas loob ginawa ko, kasi ang film is also to disturb. It’s not only to entertain and uncover the truth. Hindi lamang making people laugh, making people cry, hindi ang iyun. It should show the reality. It should show the truth.

“Varied ang purpose ng film. Lalo na sa katayuan natin ngayon na maraming pulisya na gumagawa ng krimen, napu-promote pa, hindi naman sila napaparusahan,” pahayag ni direk Joel.

Magagaling ang mga artista rito, lalo na si Rita Avila na isang nanay na dating “pa-walk” na napilitan na ring “i-walk” ang anak niya para kumita at makaipon ng pampiyansa sa asawang nakakulong.

TV HOST

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with