^

PSN Showbiz

Gladys, parang matagal nang ka-close si Coco

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Gladys, parang matagal nang ka-close si Coco
Gladys
STAR/ File

Punung-puno ng excitement ang kuwento sa akin ni Gladys Reyes na nagsimula nang mag-shoot ng pelikulang Apag (Hapag) na kung saan ay first time siyang madidirek ni direk Brillante Mendoza.

Hindi na nga raw niya inalam pa kung magkano ang talent fee niya sa pelikulang ito. Basta ang umokay lang daw ang schedule, gagawin niya talaga dahil matagal na raw niyang inaasam na maidirek ni direk Brillante.

Pero ang sobrang ikinatuwa niya, nang napasama na sa cast si Coco Martin. Umatras nga ang aktor na magbibida dapat sa project na ito, pero mas bongga naman ang pumalit, si Coco nga.

Nung nakaraang Lunes ang first shooting day niya at kasama na nila si Coco na kagagaling lang ng Ilocos sa taping ng Ang Probinsyano.

Puring-puri ni Gladys si Coco, na kaagad niyang ipinost ang kuha niya kasama sina Coco at direk Brillante. Sabi niya sa kanyang Instagram at Facebook account;  “Enjoyed talking to Coco and hearing stories from him in between takes. I admire how humble and hardworking he is. Looking forward to our next shooting days. Grateful to You Lord for this.”

Tinext ko nga si Gladys para kumustahin ang shooting, pawang papuri kay Coco ang mga sagot sa akin. “Super tsika kami ni Coco kuya. Lalo na siya, kakatuwa. Walang kaere-ere. Marespeto. First time namin nagkasama at magka-work. Pero parang ang tagal na namin magkakilala.”

Ken, memoryado na ang amoy ni Rita!

Puring-puri ang tambalang Ken Chan at Rita Daniela sa nakaraang fluvial parade ng Metro Manila Film Festival na walang kiyeme na kahit nag-uulan todo kaway sila sa lahat na nag-aabang para makita lang sila sakay sa ferry ng MMFF entry nilang Huling Ulan sa Tag-araw.

Katatapos lang ng The Clash, kaya naka-focus na sila ngayon sa promo ng kanilang pelikula.

Nakakatuwa na bale launching movie ng kanilang loveteam, nakapasok pa sa MMFF at maganda ang feedback sa nakaraang press preview nito.

Si Rita ang talagang pinuri nang husto sa pelikulang ito, pero binibigay niya ang credit kay Ken na kung hindi naman daw si Ken Chan ang ka-partner niya, baka hindi rin daw niya ito magawa.

“Nung pinapanood ko ‘yung pelikula, iniisip ko, paano kung hindi si Ken ‘yun?

“And I’m just really really grateful kasi, I am experiencing this moment with him. Kasi kung hindi siya, kaya ko talagang sabihin kay Lord na ‘Lord kung hindi siya, huwag na lang,” seryosong pahayag ni Rita nang makatsikahan namin sa nakaraang press preview at presscon nitong Huling Ulan sa Tag-araw.

Sinasabi naman ni direk Louie Ignacio na sobrang komportable ni Rita kay Ken. Kaya wala siyang keber na naghubad na lang sa shoot ng kanilang MTV na kinunan pa sa Pagsanjan Falls.

Nahihirapan daw mag-shoot si direk Louie dahil pinapalabas nilang pareho silang hubad na nakalubog sa tubig.

Para mapabilis ang shoot, hinubad na lang ni Rita ang suot na tube blouse na ikinagulat ni Ken. “Hindi ko po makakalimutan ‘yun kasi doon ko po talaga nakita ang totoong Pagsanjan Falls,” natatawa niyang pahayag.

Komportable na kasi sila sa isa’t isa at sanay na sanay na raw silang dalawa, na sabi nga ni Ken, pati ang amoy ni Rita ay kabisabong-kabisado na niya.

RITA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with