Fans ni Alden Richards nag-fundraising para sa Palawan 'Odette' survivors
MANILA, Philippines — Nauwi sa pagbabayanihan ang ilang fans ng isang sikat na aktor matapos salantahin ng Typhoon Odette ang isang probinsya na sa tingin ng ilang netizens ay hindi gaano napagtuunan ng pansin ng media.
Viral kasi sa social media ang #PalawanNeedsHelpToo dahil sa diumano'y bagal ng tulong matapos bayuhin ng bagyong "Odette" — na sinasabing pinakamalakas para sa taong 2021.
"Day 1 of the fundraising campaign for Typhoon Odette victims was able to raise PhP 30, 747.25 from 31 generous @aldenrichards02 fans. Thank you so much #ALDENRichards ATeam," ayon sa Twitter user na si @n_e_j_e_n, Lunes.
Day 1 of the fundraising campaign for Typhoon Odette victims was able to raise PhP 30, 747.25 from 31 generous @aldenrichards02 fans.
— ?_?_?_?_? ???? ??? ???? ???? ???????????????? ???????????????????? (@n_e_j_e_n) December 20, 2021
Thank you so much #ALDENRichards ATeam ???????????????????????? https://t.co/o8DzipkGaV
Thank you ATeam @aldenrichards02 @hereforALDEN @mamahaydeeHD26
— ?_?_?_?_? ???? ??? ???? ???? ???????????????? ???????????????????? (@n_e_j_e_n) December 20, 2021
Grabe ang iyak ko ah!!! Salamat sa lahat ng tumulong. On the way na sila sa Villamor.
Thank you @CarinAlejandria ????#ALDENRichards #PalawanNeedsHelpToo pic.twitter.com/7aalGFSxoZ
Mas malaki na raw dito ang halagang nalilikom sa ngayon kumpara kaninang umaga ngunit tinitipon pa rin ang huling updates magpahanggang sa ngayon.
Ayon sa supporters ng naturang aktor na si Alden Richards, tatanggap sila kahit ng maliit na halagang P25.
Bilang pasasalamat sa mga bukas palad na mag-aambag sa naturang fundraising campaign, makatatanggap naman daw ng freebies at makasasali sa isang raffle ang mga nabanggit.
Dadalhin naman daw sa Villamor Airbase sa tulong nina Lt. Thomas Chan ng Armed Forces of the Philippines ang suporta at dadalhin sa pamamagitan ng C130 flight bago ang ika-23 ng Disyembre, ayon naman sa Twitter user na si @CarinAlejandria.
Mobilized support for #OdettePH to be brought to Villamor Airbase. Lt Thomas Chan of AFP will personally manage this until brought to Palawan on or before Dec 23 through a C130 flight #PalawanNeedsHelp #PalawanNeedsHelptoo
— Carin Alejandria (@CarinAlejandria) December 20, 2021
On our way to Katipunan, HQ of VP, to deliver donations for Odette typhoon victims.
— CAROL, Alden Supporter (@hereforALDEN) December 18, 2021
These hygiene kits are from @n_e_j_e_n, @mamahaydeeHD26, and @hereforALDEN. pic.twitter.com/EQfok1bTXQ
Kaliwa't kanang landslides at pagkasira ng mga imprastruktura gaya ng mga tulay ang iniwan ng bagyong "Odette" sa naturang probinsya, maliban sa matinding epekto rin nito sa mga probinsya ng Bohol, Cebu, rehiyon ng CARAGA atbp.
Kanina lang nang sabihin ng Philippine National Police na aabot sa 208 na ang namamatay sa buong bansa matapos ang naturang sakuna. Gayunpaman, aabot pa lang ito sa 58 kung pagsasamahin ang kumpirmado at bineberipika pang casualties ng Office of Civil Defense at National Disaster Risk Reduction and Management Council.
"PALAWAN NEEDS URGENT HELP, TOO ????!”
— News5 (@News5PH) December 20, 2021
Ito ang panawagan ng isang residente sa Palawan na halos tatlong araw nang naghihintay ng tulong at balita matapos ang kaliwa't kanang landslide na iniwan ng bagyong #OdettePH.
????: Kyle Venturillo pic.twitter.com/zgwomhWkiB
Assistance makupad?
Ilang araw nang humihingi ng tulong ang mga taga-Palawan, habang ang ilang mga taga-Metro Maynila naman na nakapanayam ng Philstar.com ang nagsasabing hindi pa rin nila makontak ang kani-kanilang mga pamilya sa probinsya magpahanggang sa ngayon.
"For three days straight there is no help from National Government and NDRRMC for Palawan. We feel extremely defeated and abandoned," wika ng Twitter user na si @WinHerrera0425 kanina.
"It's very frustrating how the National Government greedily exhausted our Malampaya Petroleum Reserves without sharing its profits with Palaweños. To rub salt into the wound, they deliberately ignore our calls for help."
For three days straight there is no help from National Government and NDRRMC for Palawan. We feel extremely defeated and abandoned.
— Win Win (@WinHerrera0425) December 19, 2021
#PalawanNeedsHelp #Cebu #NasaanAngPangulo #OdettePH pic.twitter.com/FajGD469ts
Sa kabila nito, naninindigan naman ang Department of Transportation na dalawang Philippine Coast Guard (PCG) ships ang itinalaga sa Palawan bago pa ito mag-landfall sa Palawan.
"For those tagging me and saying that #Palawan needs help, too, please be informed that two (2) Philippine Coast Guard SHIPS [BRP Capones (4404) and BRP Cape Engano (4411)] are already there," ani DOTr Assistant Secretary Secretary Goddess Hope Libiran sa ulat ng The STAR.
"DOTr Secretary Art Tugade has instructed all transport agencies, both local and national, to extend all the necessary help and assistance to aid our kababayans there."
Sinasabing down pa rin ang communication lines at internet sa Palawan sa ngayon. Dagdag pa kay Libiran, ang kanilang komunikasyon sa CG Palawan District HQ ay kasalukuyang ginagawa gamit ang high-frequency radio, ayon kay PCG Commandant Leopoldo Laroya. — may mga ulat mula sa The STAR at News5
- Latest