Mga partylist, mahigpit din ang labanan
Mukha ngang ang dami nang partylist candidates ngayon. Kaya siguro naghirap talaga ang Comelec na ayusin iyon dapat bigyan ng approval.
Mabuti na lang ay ok ang Agimat at Ako’y Pilipino, dahil dati na naman ang partylist na Probinsiyano. Sa Agimat, si Bryan Revilla yata ang 1st nominee at sa Ako’y Pilipino si Ronnie Ong.
Pareho namang karapat-dapat ang mga ito dahil nakita na kung paano sila nagsilbi sa kanilang lugar kahit noon pa.
Si Brian Yamsuan din ay tumatakbo sa partylist eh tiyak na alam na niya ang gagawin dahil beterano na siya sa pulitika.
Ang Buhay Partylist ni Cong. Lito Atienza.
Ang dami nga kaya nakakalito. Kaya pukpok din sa paglilibot si Alfred de los Santos dahil gusto rin magpakilala nang husto ngayon. Dahil nga kay Ronnie Ong sumama si Coco Martin.
Totoong masikip ngayon ang labanan, kaya ang sakit ng ulo nila ang paglilibot.
Dingdong, eeksena sa aksyon
Kahit pa nga medyo gloomy ang outlook sa darating na festival supposed to be ng mga pelikulang lokal, excited pa rin ang feeling ni Dingdong Dantes sa showing ng pelikula niya na adaptation ng Korean movie na Hard Day. In fairness, maganda ‘yung action drama at kung ito ang takbo ng istorya ng movie ni Dingdong bagay na bagay sa kanya.
Mabuti rin na kahit pa nga talagang alam mo na medyo mahirap ngayon maglabas ng pelikula meron pa rin gumagawa ng tulad ng Viva. Parang big boost na rin sa showbiz na merong ganitong pelikula na ilalabas ngayon December, at Dingdong ang bida.
Watch natin ito.
Dapat talaga na maging matagumpay ang mga malakas ang loob na nagbibigay hope kahit may pandemic. Dapat lahat ng gumagawa pa rin ng pelikula tulungan natin para hindi tuluyan mawala ang showbiz.
- Latest