^

PSN Showbiz

Lotlot, ayaw pakialaman sina Paulo at Janine

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Lotlot, ayaw pakialaman sina Paulo at Janine
Janine at Paulo
STAR/ File

Ang safe lang ng sagot ni Lotlot de Leon nang tinanong ko sa kanya ang tungkol sa lovelife ni Janine Gutierrez, pagkatapos ng breakup nila ni Rayver Cruz. Namamalisyahan na kasi ang iba sa intimate moments nina Janine at Paulo Avelino sa Marry Me, Marry You.

Napapanood ko minsan ang ilang episodes nito, at iba nga ang mga eksena nilang dalawa lalo na ngayong mag-asawa na sila.

Nakikitang kumportable sila sa isa’t isa, at bagay naman.

Tinanong ko kay Lotlot nung nakaraang press preview ng MMFF entry ng Heaven’s Best Entertainment na Huling Ulan sa Tag-araw, napangiti na lamang siya. Nasa tamang edad naman daw si Janine para mag-decide sa kanyang sarili. “That’s really up to her. That’s her decision,” safe na sagot ni Lotlot.

Sa totoo lang, type na rin ng fans ang tambalan nina Paulo at Janine. Kung ma-fall man silang dalawa, tiyak na ikatutuwa ng fans. PANCHO, MARAMING

Natutunan sa Yaya…

Ang saya ng kuwento ni Pancho Magno tungkol sa pagbabalik taping ng grupo ng First Yaya. First Lady na ang book two nito, pero halos lahat sila ay magkakasama pa rin. Kaya nang magkita-kita raw silang lahat sa lock-in taping, sobrang saya raw ng lahat.

Kuwento ni Pancho sa nakaraang virtual mediacon ng renewal ng kontrata niya sa GMA Artist Center, nakumpleto raw ang buong cast sa pangalawang lock-in ng taping nila at talagang riot daw. “Nung unang stretch namin sa La Union, hindi pa lahat nandun. Pero nung pangalawang stretch dito sa Manila, dun na lahat nagkita-kita, nagsayawan sila eh. Akala mo hindi pa nagkikita sa labas. Nagsayawan sila, lahat nag-ingay,” masaya niyang kuwento.

Iba raw talaga ang bonding nila sa naturang drama series ni Sanya Lopez. Naitutuluy-tuloy daw nila ang bonding sa labas ng taping hanggang sa resort ni Gabby Concepcion sa Batangas.

“Nakakatuwa lang na alam mo na parang hindi lang workmates… parang friends muna tayo then magkakatrabaho na tayo,” dagdag na kuwento ni Pancho.

Hanggang ngayon ay nasa lock-in taping sila at matatapos naman daw nila ito bago mag-Pasko. Inaasahan nilang maiere ito bago mag-eleksyon, dahil kakaiba raw talaga ang kuwento ng First Lady na kung saan ilalahad ang struggle ni Yaya Melody na naging First Lady na siya.

JANINE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with