Kim napangatawanan ang pagiging OFW; Rita at Ken nagpaiyak!
Dalawa sa eight official entries ng Metro Manila Film Festival ang napanood ko na, Huwag Kang Lalabas at Huling Ulan sa Tag-Araw.
Ang Huwag Kang Lalabas ay trilogy movie produced by Obra Cinema ni Pandi, Bulacan Mayor Enrico Roque. Kumbento, Bahay at Hotel ang title ng tatlong episode.
Sa kumbento ay bida sina Elizabeth Oropesa, Beauty Gonzales and Matet de Leon.
Sa Bahay ay sina James Blaco and Joaquin Domagoso and Hotel episode ay pinangungunahan ni Kim Chiu and Jameson Blake.
Pang Christmas ang Huwag Kang Lalabas at tama si Nay Cristy Fermin, maalala mo sa pelikulang ito ang Shake, Rattle and Roll ng Regal Films na laging box office hit sa MMFF.
Maayos ang kabuan ng bawat episode na dinirek Adolf Alix.
Puwedeng pambata ang Huwag Kang Lalabas lalo na ngayong puwede nang magsilabasan ang mga bata.
Si Kim ang nagpasikat ng salitang ‘huwag kang lalabas’ kaya naman final episode ang story nila na tungkol sa mga OFW na bumalik ng bansa in the middle of the pandemic kaya napunta sila sa isang creepy hotel para sa kanilang two-week mandatory quarantine dahil siksikan na sa ibang quarantine facility. At doon nag-umpisa ang horror nilang karanasan ng mga naging kaibigan niya paglapag ng bansa.
Sakto ang timpla ng comedy at horror sa nasabing episode.
Maging ang Kumbento at Bahay episodes ay maayos ang pagkakalatag ng kuwento.
Sa pelikulang Huling Ulan sa Tag-Araw naman, may pinatunayan ang loveteam nina Ken Chan and Rita Daniela, na produced ng Heaven’s Best Productions ni Harlene Bautista.
Sa press screening nito, nag-iyakan ang mga nanonood.
Almost two years nabitin ang pelikula at wala silang idea kung kailan ito ipapalabas. Hanggang nalaman nila na pasok ito sa MMFF this year na back to cinemas na rin.
Ginawa nila ang pelikula sa kalagitnaan din ang pandemic sa Pagsanjan Laguna. “After two years na nagsara ang mga sinehan, isa kami sa mga mapapanood. Sobrang nakaka-overwhelm siya. This is our first movie together na parang sinong makakakita na magiging loveteam kami ni Ken from Special Tatay at sinong mag-aakalang magkaka-pelikula kami,” sabi ni Rita bago nag-umpisa ang press screening.
Pandemic movie ang tawag dito ni Ken dahil ayon sa Kapuso actor, nag-shooting sila nito nung umpisa pa lang ng pandemic noong 2020. “Parang nag-start ng March ang pandemic at after three months, ginawa namin ito. So kami talaga ang unang nag-lock-in para mag-shooting,” pahayag ni Ken.
“Pero right timing. Ginawa ni God. Pinaghintay kami ng almost two years para mapasama sa MMFF,” dagdag ni Ken.
Susundan nito ang kuwento ng isang seminarian at bar performer / pokpok na may mga hinahanap sa kanilang buhay.
Si Luis (Ken) na ipinangako ng mga magulang na magpapari ay makikilala ang isang bar performer / pokpok na si Luisa (Rita) na tinuring niyang mission.
Naghahanap ng sign si Luis habang may hinahabol personal deadline si Luisa.
Nakakaiyak ang kuwento ng Huling Ulan Sa Tag-Araw na pinagsama ang dalawang tao para madiskubre ang totoong meaning of love’s pain and promise na nagpaiyak sa mga nanood.
Parehong mahusay na nagampanan nina Rita at Ken ang kanilang mga character. Ibang-iba sa mga naging role sa mga taleserye nila.
Walang naging inhibition si Rita sa role niya as bar performer na pumapatol sa mga costumer.
Natural naman ang acting ni Ken bilang isang seminarista.
Puwedeng pang-best actress award ang acting ni Rita. Pero hindi raw siya nag-e-expect. Priority nila ngayong kumita sa takilya ang pelikula.
Aside from RitKen, kasama rin sa movie sina Lotlot De Leon and Richard Yap with Ahwel Paz among others. Directed by Louie Ignacio.
Nine days before Christmas at opening ng mga pelikulang kasali sa MMFF, kaya magkakaalaman kung tatauhin ba ang mga sinehan na kamakailan lang nag-reopening.
Isang malungkot na part lang ngayon sa panonood ng sine ay bawal kumain sa loob ng sinehan at 50% capacity lang. Unless maglabas ng panibagong guidelines ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious (IATF) sa mga sinehan ngayong mas bumaba pa ang new positive cases pero pumasok na ang omicron variant na nagpakaba na naman sa mga tao at nanatili sa Alert Level 2 ang bansa.
Anyway, isa pa sa gusto kong panoorin sa MMFF ay ang Whether the Weather Is Fine starring Charo Santos and Daniel Padilla na pinuri na sa iba’t ibang international film festival.
Boylet at respected personality suki sa isang 5-star hotel
Medyo shocking ang kumakalat na kuwentong may kasa-kasamang boylet ang isang respected personality pag nagchi-check in sa isang five star hotel.
Visible raw si boylet sa nasabing hotel kaya familiar sa ilang VIP ng hotel dahil nga bukod nakikita itong kasama ni respected personality nagpi-flirt ito sa ibang mga high profile gay sa nasabing hotel.
- Latest