^

PSN Showbiz

‘Masuwerte ako’

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
‘Masuwerte ako’

Ewan ko kung ano ang message ni God sa akin, Salve.

Madalas kong sabihin na isa sa problema ko pag may nangyari sa akin ay kung sinong mag-aalaga sa mga pet kong dog.

Dahil feeling ko nga isa na akong orphan, walang tatay, nanay, at wala na rin ang apat kong kapatid, nasa abroad naman ang dalawang anak ko na may may kanya-kanyang pamilya na rin, ang family ko na lang ay sila Mel at Cel na kasambahay ko for more than 30 years na, at ang aking mga dog.

Dati 54 sila na iba’t ibang small breeds. Ngayon ay 20 na lang sila.

Actually, now lang sila mas naging close sa akin dahil nga nasa bahay lang ako most of the time na naaalagaan sila at katabi kong matulog iyon iba.

Isa sila sa lagi kong binibilin sa mga pamangkin ko pag nawala ako, sabi ko mag-iiwan ako ng pera para sa vet doctor nila, grooming at pagkain, alagaan lang sila pag nawala na ako.

Kaya sabi ko nga, sana dahil mature na iyon iba para habang buhay pa ako, mauna na sila para konti na lang maiwan.

Pero namatay si Lucky noong November, at ngayon December sila Suwerte at Boboy naman.

Upset nga ako dahil si Boboy ay nahirapan at buong araw whining dahil siguro sa sakit na nararamdaman.

Tatlo agad ang nawala at sa merry month of November and December pa.

Kung isa kang tao na mahilig sa pet at may alaga kang namatay alam mo ang pakiramdam na para rin isang taong mahal mo ang nawala pag namatayan ka ng alaga.

Ewan ko kung over acting lang ako pero I feel so sad na tatlo agad sa dogs ko ang nawala in the span of two months.

Grieving talaga ako at parang na jolt sa nangyari.

Sign kaya ito na dapat makita ko na better prepare na dahil any day I will go na?

Or are my pets taking my place para may extension pa akong mabuhay?

Hindi ko alam, pero kung anuman ‘yun, tatanggapin ko kung ano plano sa akin ng Diyos.

Masuwerte ako na umabot ako ng 74 at napakaraming naging bonus sa akin ni God.

Iyon lang naging buhay ko sapat nang premyo sa akin ng langit.

Sabi nga, it is not what you acquired, but what you scatter ang mas importante.

Iyon lahat ng naranasan ko sa buhay, talagang dapat ko ipagpasalamat. Thank you God.

CEL

MEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with