^

PSN Showbiz

Aktres, wagas ang kaartehan tuwing kasama ang dyowang aktor

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Nakakaawa naman ang isang pamosong female personality na binibimbang ngayon sa social media. Parang ayaw siyang bigyan ng pagkakataon ng mga umuupak sa kanya para mag-level-up.

Lahat ng galaw niya ay pinapansin, lahat ng sinasabi niya ay tinututulan, hindi raw bagay sa kanya ang mga bagong dramang ipinakikita niya.

Kuwento ng aming source, “Porke ba masa ang image niya, e, wala na siyang karapatang mag-level-up? Lahat ng artista, may karapatang ma-develop ang image, sa totoo lang!

“May mga artistang nagsimula na baduy na baduy ang datingan, pero in time, natuto rin silang magbihis at gumayak na sosyal ang dating!

“Hindi ba siya puwedeng maging ganu’n? Kung keri niya naman, bakit kailangan siyang ganyanin ng mga ayaw sa kanya?” unang sultada ng aming source.

Pati ang kapintasan ng female personality ay pinag-iinitan ng kanyang mga bashers. Matagal nang binabatikos ‘yun, pero tanggap ng babaeng personalidad, dahil totoo naman.

Patuloy ng aming impormante, “Nakakaawa naman ang girl. May nag-post pa ng parenthesis, ang inilagay na caption, ‘Kanino legs ito?’ Natural, walang ibang maiisip ang makakakita kundi ang girl na matagal nang binu-bully tungkol sa mga legs niya!

“Piling-pili lang ang puwede niyang isuot, kailangang tagung-tago ang legs niya, dahil meron ngang kapintasan,” napapailing na kuwento pa ng aming source.

Maraming sumang-ayon sa mga bashers ng female perso­nality nang pansinin ang kanyang kaartehan. ‘Yun din kasi ang napapansin ng mga kababayan natin, may kaartehan ang girl, lalo na kapag kasama niya ang kanyang karelasyong aktor.

Sabi uli ng aming source, “’Yun lang ang kailangang bawasan ng girl, ang kaartehan niya. Maraming nakakapansin na sobra siyang mag-emote lalo na kapag kasama niya ang boyfriend niya.

“Bukod kasi sa nagpapa-tweetums siya na hindi na bagay sa age niya, e, gumagalaw-galaw pa ang ulo niya! Para tuloy siya ‘yung pang-decorate sa mga taxi na gumagalaw-galaw kapag nagpepreno!

“’Yun ang dapat niyang bawasan, maraming naaartehan sa kanya kapag gumaganu’n-ganu’n siya! Pinalalamlam pa niya ang mga eyes niya, tapos, iginagalaw-galaw niya ang ulo niya!

“Pero ‘yun lang naman ang napapansin sa kanya, hindi ang pananamit at pagsasalita niya! Kung babaguhin niya nang konti pa ang mga galaw niya, e, baka palampasin na siya ng mga bashers!

“Nakakaawang female personality, dinidiktahan ng mga bashers at trolls kung ano ang dapat niyang gawin!” napapai­ling na pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Alden, hindi nagbago ang ugali

Gabi-gabi ay may bagong pasabog ang seryeng pinagbibidahan ni Alden Ri­chards. Hindi nakakahon ang mga eksena, sa bawat episode ay may nangyayaring kagulat-gulat, lalo pa’t mahuhusay na kontrabida ang mga demonyitong sina Tom Rodriguez at Sid Lucero.

Sa sobrang kahayupan ng dalawa na nanglalaglag kay Alden ay lalong humuhusay ang pagganap ng bida. Nakukuha niya ang simpatya ng manonood habang gusto namang dukutin sa TV ng mga tumututok sina Tom at Sid para patayin.

Ibang-iba na ang pagganap ngayon ni Alden, habang tumatagal ay hindi na ang kanyang kaguwapuhan lang ang mapapansin, kundi ang malalim niyang pagganap.

Hindi siya naliligaw sa papel na ginagampanan niya, nagsasalita ang kanyang mga mata, du’n nanggagaling ang mga dayalog niya.

Maraming dapat ipagpasalamat si Alden Richards. Salamat dahil natupad ang kanyang pangarap na sumikat na pangarap din ng namayapa niyang ina.

Pero bukod du’n ay pinahusay ng panahon ang kanyang pagganap, maituturing na siyang isa sa pinakamagagaling na aktor ng kanyang panahon, hindi basta guwapo at sikat lang.

At sa kabila ng kanyang tagumpay ay hindi pinagbabago si Alden, siya pa rin ang dating aktor na wala kang maririnig na anumang pintas laban sa kanyang mga kapwa artista, nakatapak pa rin ang magkabila niyang paa sa lupa.

‘Yun na ang kanyang naturalesa, madagdagan man ang kanyang tagumpay ay mananatili siyang mapagkumbaba, hindi apektado ng kung anumang meron na siya ngayon.

Ang natural na pag-uugali ay hindi nababago ng kahit ano, nakatanim na ‘yun sa puso, parang pader na malalim nang nakabaon sa lupa.

Lagi niyang sinasabi, “Wala naman po kasing dahilan para magbago ako. Blessed lang po ako, wala akong puwedeng ipagmalaki. Nagbabago lang po ang estado ng buhay ko, pero ako, tulad pa rin po nang dati.”

Sabi ng isang production staff ng The World Between Us na nakakuwentuhan namin, “Masarap maging artista si Alden dahil napaka-professional at disciplined niya.

“Wala kang maririnig na reklamo sa kanya kahit pagod na pagod na siya. Kapag matagal pa siyang kukunan, makikita mo na lang siyang natutulog sa chair niya. Mabait na bata,” sabi ng aming kaibigan.

AKTRES

ALDEN RICHARD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with