GMA Affordabox, may Christmas discount!
Ginawang mas affordable ang GMA Affordabox sa halagang P799 na lang!
Available ang espesyal na discount na ito hanggang Dec. 31 kaya naman perfect na pangregalo ang Kapuso digital TV receiver ngayong Kapaskuhan.
Mas lalo pa ngang nadagdagan ang nagniningning na GMA Affordabox endorsers dahil kasama na rin ngayon nina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at Queen of Creative Collaborations Heart Evangelista, at ang bagong Kapuso star na si Bea Alonzo!
Para sa next level na entertainment experience, maraming magagandang features ang GMA Affordabox na swak sa panlasa ng viewers. Mapapanood dito ang anim na Kapuso channels – GMA, GTV, I Heart Movies, Heart of Asia, Hallypop, at DepEd TV – pati na rin ang ibang free-to-air channels na nasa digital broadcast sa kanilang lugar.
Kabilang sa free additional features ng GMA Affordabox ay ang personal video recorder nito kung saan pwedeng i-record at panuorin muli ang highlights ng kanilang paboritong Kapuso programs. Maaari rin itong maging isang multimedia player kung saan makakapanood ng videos, making ng music, at tumingin ng photos. Mayroon itong nationwide Emergency Warning Broadcast System (EWBS) na nagbibigay ng babala sa pamamagitan ng mga alert mula sa NDRRMC. May auto-on alert feature rin ito kung saan automatic na mag-a-alarm ang GMA Affordabox tuwing emergencies para mas maging handa at safe ang bawat kabahayan.
Available ang GMA Affordabox sa mga piling lugar sa Metro Manila, Benguet, La Union, Pangasinan, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Batangas, Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Ilocos Sur, Abra, Bohol, Cebu, Leyte, Bacolod (and adjacent areas), Davao de Oro, Davao del Sur, Davao del Norte, Misamis Oriental (including Cagayan de Oro City), Camiguin, Iloilo, Guimaras, at ngayon ay available na rin sa Naga at General Santos.
MTRCB, ginawaran ng FOI Award 2021
Ginawaran ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) bilang Freedom of Information Champion 2nd Runner-up sa kategorya ng Agencies/Bureaus/ Commissions/Councils. Ang naturang parangal ay iginawad ng Presidential Communications Operations Office- Freedom of Information- Project Management Office (PCOO FOI-PMO) noong 25 Nobyembre 2021 sa Radisson Blu Hotel sa Cebu City.
Ilan sa mga nagtulak sa MTRCB upang mapabuti at maisaayos ang FOI program nito ay ang hamon na dulot ng COVID-19 at ang pagtataguyod ng Ahensiya sa karapatan ng bawat Pilipino para sa tunay na impormasyon. Isa sa mga naging inisyatibo ng Ahensiya ay ang FOI proactive disclosure page na makikita sa official website nito: https://mtrcb.gov.ph/freedom-of-information. Dito makikita ang mga datos na karaniwang nire-request sa eFOI portal. Makikita rin sa naturang webpage ang Frequently Asked Questions tungkol sa FOI Program, MTRCB FOI One-page Manual at ang link sa electronic FOI (eFOI) Portal. Maaari ring ma-access dito ang webpage kung saan makikita ang mga pelikula at TV programs na narebyu at na-classify na ng Board.
- Latest