Arjo, seryoso sa pagtulong!
Siguro naman nakita na ng mga taga-district 1 ng Quezon City ni Arjo Atayde kung gaano siya kaseryoso sa pagpasok sa pulitika.
Mukhang ito talaga ang calling niya dahil maaga niyang ginusto na maging isa sa mga leader ng bayan natin.
Sabi nga ng iba baka raw nagmadali si Arjo pero sa tingin ko mukha namang noon pa lang pinaghandaan na niya ito.
Talagang kita mo ang pagsisikap niya na tumulong lalo na nitong pandemic. At nakakatuwa namang full support ang pamilya niya sa kanyang dream.
Isang napakahusay na aktor ni Arjo na sayang naman kung iiwan ang showbiz. Pero siguro naman kagaya rin ng actor-politicians puwede pa rin niyang isingit ang paglabas sa TV at pelikula kung sakali.
Sana nga lahat ng dreams ni Arjo Atayde ay matupad, lucky Maine Mendoza, isang lalaki na naka-focus sa future ang napili niya. Go Arjo, aim high.
Mga kababaihang negosyante, waging-wagi
‘Pag nakikita mo mga successful lady business executives, parang ang sarap ng lifestyles nila. Tingnan mo sina Rhea Tan ng Beautederm, Vanni Patillas ng IVI Met, at Cris Roque ng Kamiseta.
Para bang walang kahirap-hirap magpatakbo ng mga successful business nila, to think na on top ang products nila ngayon. Para bang easy lang at madali lang ang competition eh alam natin na very tight ang market ngayon.
Kasi nga mga bata pa kaya very energetic at puno ng ideas ang mga utak nila kaya naging matagumpay ang mga negosyo nila. Bongga talaga dahil nga akala mo ang dali lang eh ang dami nilang employees.
- Latest