^

PSN Showbiz

Raymond, naudlot na naman ang planong career sa hollywood

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Raymond, naudlot na naman ang planong career sa hollywood
Raymond
STAR/ File

Marami pa rin ang nagtatanong sa tweet ni Bela Padilla kung ‘for good’ na ba ang pag-move niya sa London.

Marami nga ang curious kung tuloy pa rin ba ang showbiz career niya, at kung ano ang plano niya sa London.

Ang laki naman kasi talaga ng epekto ng pandemya kaya nabago ang mga plano ng ilang celebrities.

Kagaya ni Raymond Bagatsing na muntikan na palang bumalik ng Amerika para ituloy ang kanyang career sa Hollywood. Nakausap na raw niya ang agent niya roon para hanapan siya ng possible project na puwede siyang mag-audition. Hindi nga lang natuloy dahil nagkasunud-sunod naman ang mga offer sa kanya rito sa bansa.

Ani Raymond nang makatsikahan namin sa event ng Manila K-Town Fest nung nakaraang linggo; “Meron akong offer sa US at med­yo pinag-iisipan ko nang mabuti ‘yan. Meron akong malaking agency na kumukuha sa akin sa LA.”

Bukod sa series na nagawa niya ay may pelikulang inalok sa kanya, at isa na nga rito ang MMFF entry niyang Nelia ng A&Q Productions na gusto talaga niyang tulungan sa pagpo-promote dahil mabait daw silang producer.

“Kung hindi inalok sa akin ito, iniiisip ko nang bumalik sa LA, medyo nami-miss ko na rin dun. Siyempre Hollywood, lalo akong naenganyo nung ginawa ko ang Manuel Quezon na ipinalabas sa buong mundo. Hindi lang po sumali sa mga festival kundi theatrical release. It’s just a matter of destiny lang po,” dagdag niyang pahayag.

Kaya naisantabi na naman ang Hollywood career niya dapat dahil pinasok na rin niya ang pulitika na kung saan tumatakbo siyang Vice Mayor ng Maynila.

Chariz, nahirapang ipaliwanag sa dalawang anak ang bagong kapatid

Ngayon lang naging open ang komedyanteng si Chariz Solomon na pag- usapan ang kanyang personal na isyu lalo ang tungkol sa kanyang pagkakaroon ng anak sa bago niyang karelasyon.

Medyo kinabahan daw siya nang tinanong  sa nakaraang mediacon ng 25th anniversary ng Bubble Gang ang tungkol sa bagong setup sa kanyang pamilya. Medyo matagal na ring naghiwalay sina Chariz at ng kanyang non-showbiz husband na si Nestor Ng.

Sa pagkakaalam ko, meron na ring bagong karelasyon ang dati niyang asawa, at si Chariz ay nakarelasyon naman ang club DJ at ang marketing manager ng isang liquor brand na si Vince Teotico.

Nabuntis si Chariz at nung nakaraang buwan lamang siya nanganak, kaya hindi pa siya lumalabas para mag-taping. Kahit itong anniversary episode ng Bubble Gang ay ‘work from home’ muna siya, dahil may baby pa siyang inaalagaan.

Hanggang ngayon ay naninibago raw sila sa bagong setup sa bahay lalo na ang dalawa niyang anak sa una niyang asawa na unti-unti pa raw naga-adjust ngayong may bagong kapatid sila.

“Mahirap po talaga ‘yung ganung klaseng adjustment na merong bagong family member dito, at dun din sa kabila, ibang family members. Blended family, pero wala namang hindi naaayos kapag pinag-uusapan. Lalo na ‘yung mga anak ko na nakakaintindi naman na sila,” pakli ni Chariz.

Nasa pag-uusap na lang daw talaga para maintindihan daw ng mga anak niya. “Talaga namang ever since, kinausap ko sila about everything, and we pray together.

“‘Yung mga una lang talaga medyo nakaka-tense lang na may mga tanong sila na biglang pumapasok sa isip nila. Pero meron na akong mga ganun eh…na this is not normal, but this is not bad. May mga ganun na ako,” medyo naaalangan pa niyang pahayag.

Mabuti at okay naman daw sila ng una niyang asawa, para sa kanilang dalawang anak. “Kailangan eh, kasi kailangan maging good example sa mga anak,” seryoso pa niyang pahayag.

Samantala, natatawa na lang si Chariz nang binanggit ko sa kanyang bentang-benta sa TikTok ang mga patawa niyang ginagawa sa Bubble Gang.

Nakakarating nga raw sa kanya ‘yun na nagti-trending pa ang iba. “Puwede bang mani­ngil dun,” pabiro niyang pakli.

Ngayong gabi na mapapanood ang pinag­handaan nilang 25th anniversary special ng Bubble Gang na may temang Ka-Bubble Mula Noon ‘Gang Ngayon.

RAYMOND

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with