Nora, nanahimik sa kandidatura!
Mukhang masyadong tahimik ngayon ang kampo ni Nora Aunor, matapos na magharap sa COMELEC ng CONA or certificate of nomination ng isang party list na ang tawag ay NORA A, wala na tayong narinig. Siguro nga nagsisiguro lang sila kung ang partylist nila ay kikilalanin nga ng COMELEC bilang isang partylist, at malalaman natin iyan sa Disyembre pa. Kung hindi tanggapin ng COMELEC bilang partido ang NORA A.
Tahimik din ngayon ang kanyang showbiz career. Mabuti pa nga dati, may ginagawa siyang indie movies, pero ngayon maski ang ginagawa niyang mga indie, naiwan na sa uso. Hindi kasi kumita ang mga indie na drama nila noon. Ang ginagawa ngayong indie, sexy movies o kaya naman gay films. Ang nauso sa mga pelikulang indie na karaniwan ngayong inilalabas na lang sa internet, hubaran, eh maisasabak mo ba naman sa ganoong klaseng pelikula ang isang senior citizen na kagaya ni Nora?
Hindi rin naman masasabing ok na dahil magbubukas na ang mga sinehan, dahil alam naman natin, wala pang pandemic, problema na nga ni Nora ang mga sinehan na ayaw tumanggap ng mga indie na ginagawa niya. Natigil na rin ang kampanya nila para gawin siyang national artist, dahil mukhang lumabo na rin ang chances niya matapos na siya ay ma-reject ng dalawang presidente na magkasunod pa.
Nawala ang isang matinding puwersa ni Nora nang hindi na nga siya makakanta dahil nasira ang kanyang boses. Sinasabi nga ng maraming mga kritiko, iba ang sitwasyon ngayon kung nakakakanta pa si Nora at kung ganoon pa rin ang boses niya. Kung hindi na ganoon ang boses niya, kahit na siya ay nakakakanta pa, ano nga ba ang ilalaban niya sa mga bago gaya halimbawa ni Sarah Geronimo?
Marami na nga ang nagsasabi na dapat daw siguro ay mag-retire na si Nora Aunor, o kung hindi man mag-leave na muna at baguhin ang diskarte sa kanyang career, pero magagawa ba iyon ni Nora?
Marami na rin namang kompromiso si Nora, at dahil kung sabihin nga siya ay superstar, hindi siya makababalik sa simpleng pamumuhay. May living standards na kailangan niyang i-maintain, at hindi maaaring mabago iyon kaya kailangan pa ring lumaban si Nora.
Mccoy at Elisse, natulungan ang PBB
Naapektuhan nga ba ang popularidad ni McCoy de Leon matapos aminin na may anak na sila ng syota niyang si Elisse Joson? Ano ang magiging epekto noon sa pelikula niyang Yorme?
Hindi natin maikakaila na si McCoy ay kinikilala bilang isang matinee idol, ang matinee idols, nananatiling sikat iyan hanggang marami ang may crush sa kanila. Iyong matinee idol na may syota, ok lang iyon eh. Pero iyong matinee idol na may anak na, iba na siyempre.
Ang pag-amin ni McCoy at Elisse na sila ay may anak na, masasabing nakatulong kahit na papaano ang Pinoy Big Brother, na otherwise hindi na ganun latindi ang dating dahil nasa ibang platform sila. Hindi rin bale si Elisse dahil hindi naman siya aktibo ngayon sa showbiz, pero halatang apektado ang popularidad ni McCoy. Nakakapanghinayang dahil mahusay ang performance niya sa Yorme.
Baguhang matinee idol na BI, pinaglaruan ng magkakabarkadang aktor
Ang tsismis, ginagawa raw na laruan ng mga kapwa niya artistang lalaki ang isang baguhang bini-build up ngayon bilang isang matinee idol. Common knowledge daw naman sa kanila noon pa na bisexual ang baguhang matinee idol na iyan.
Nagsimula raw iyan sa isang party kung saan sila nagkalasingan, at pagkatapos noon ang isa sa kanila ay binatak ang baguhang matinee idol para makipag-sex. Pumayag naman daw ang baguhang matinee idol, at magmula noon, naging laruan na siya ng mga magkakabarkadang actor. Ginagawa siyang “girl.”
Ok lang naman iyon. Personal preference niya iyon. Wala tayong pakialam doon. Pero tiyak sira ang image niya bilang matinee idol kung kakalat na ngang “girl” siya.
Kawawa naman mga ganyan, hindi pa man nagsisimula, talo na siya.
- Latest