Mansion ng mga Pacquiao, presyong ayaw daw ibenta!
Presyong hindi raw talaga ibinebenta ang mansion nina Sen. Manny and Jinkee Pacquiao ayon sa isang source.
Sinasabi kasing for sale ito ng P2.3 billion na dating P1.5 billion lang.
Actually, may gusto raw bumili nito pero ‘yun nga, presyong ayaw daw talaga ang ibinibigay nila.
Ayon pa sa source, matagal nang chismis ang sinasabing pagbebenta ng nasabing mansion.
Kumakalat na naman nga kasi lately sa social media na for sale ang nasabing mansion ng mga Pacquiao sa Makati na napabalita ring for sale ng P2 billion ayon sa Presello website last year.
Meron daw itong 5 bedrooms, 7 bathrooms, 4 car parks at 1525 ang floor area and 2,000 ang lot area.
Though walang banggit na pag-aari ito ng mga Pacquiao, pero ang description ay “This wonderful Zen Inspired mansion was designed with exceptional tastes, the feel and vibe of this mega-mansion have a very tropical modern feel with a touch of elegant resort-like vibe. Come see this wonderful mega-mansion for yourself!”
Neighbors ng family ng boxing champion sina former Congressman Albee Benitez at nasa likod daw nito ang bahay ng mag-asawang Richard and Lucy Gomez.
Bagong remodel ang nasabing mansion.
- Latest