^

PSN Showbiz

Female personality, nilalayasan ng mga kasambahay dahil sa mga guni-guni

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Nakakatuwang malaman na kung sino pa ang mga sikat na personalidad ay ‘yun ang hindi nagpapapalit-palit ng kasambahay. Dekada ang binibilang ng pagseserbisyo sa kanila ng mga pinagkakatiwalaan nila sa bahay.

‘Yung sikat na female personality, sa poder na niya pumanaw ang kanyang yaya, nandu’n pa rin sa kanya ang mga kasabayan nito.

‘Yung isa pang sikat na actress-politician, dekada na ring naglilingkod sa kanya ang mga maid-of-cotton niya, walang umaalis kundi nadadagdagan pa nga ang bilang.

Unang kuwento ng aming impormante, “Kasi nga, e, kapamilya na ang turing nila sa mga kasambahay nila. Pare-pareho ang kinakain nila, mataas silang magpasuweldo, kaya hindi sila iniiwan.

“At isinasama pa nila sa ibang bansa ang mga kasambahay nila, rotation ‘yun, libre ang lahat, walang babayaran ang kasambahay nila,” sabi ng aming source.

Kailangan palang kumuha ng seminar ang isang female personality sa mga sikat na artistang nabanggit. Wala kasing nagtatagal sa kanya, naikot na niya ang lahat ng ahensiya sa kahahanap ng kasambahay, pero tinatanggihan siya.

Patuloy ng aming source, “Naku, three months lang pala ang itinatagal ng maid niya! Dapat nga, e, two months lang, pero ayaw niyang paalisin ang maid kapag wala pang kapalit!

“So, hahanap pa sila ng hahalili sa aalis na, matagal ang ipinaghihintay nu’ng aalis, dahil kapag nalaman ng maid na kay ____(pangalan ng female personality) siya maa-assign, e, tumatanggi agad ang kasambahay!

“Marami na kasing maid ang nag-aalisan sa bahay ng female personality, kalat na kalat na ang kuwento, kaya tumatanggi sa kanya ang mga kinukuha niya sa agency!” kuwento ng aming source.

Anu-ano ba kasi ang dahilan kung bakit walang tumatagal sa female personality? Isa kuno siyang sakit ng ulo ng mga kasambahay.

Sabi uli ng aming impormante, “Una, inuutang kuno ng female personality ang suweldo nila. Matagal bago siya magbayad. Kung minsan nga, e, nakakalimutan pa niyang magbayad ng utang!

“Ikalawa, kahit nasa gitna ng masarap na tulog ang maids, e, bigla niyang gigisingin! May tao raw sa bakuran nila, nakita raw niya sa bintana! Natural, natatakot ang mga maids!

“Pero wala naman palang pumasok sa bakuran nila! Guni-guni lang pala ‘yun ng female personality, napapraning lang siya! Palaging ganu’n ang nangyayari, kaya umaalis na lang ang mga kasambahay niya!

“Nakakaloka ang female personality na ‘yun! Kung anu-anong scenario ang pinalalabas niya, pero hindi naman pala nagaganap! E, matatakot nga ang mga kasambahay niya!” napapailing na lang na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Jennylyn, ingat na ingat sa baby nila ni Dennis!

Sa matinding pinagdaanang sakripisyo ni Jennylyn Mercado sa dinadala niyang binhi ngayon ng anak nila ni Dennis Trillo ay harinawang mairaos niya nang ligtas ang siyam na buwan niyang pagdadalantao.

Aminado si Jennylyn na mahirap siyang mag-produce ng egg cells, may problema pa siya sa puso, kaya kinailangan nilang magpunta sa Las Vegas at sa Dallas para humanap ng surrogate mother.

Tatlong beses sa isang araw ang kanyang injection, napakarami pa niyang iniinom na gamot na pampakapit ng bata, kaya hirap na hirap si Jen.

Umalis sila sa Dallas na may magandang resulta na ang gamutan, magpi­pirmahan na lang sila ng kontrata ng surrogate mother, pero ipinaimbak na lang muna nila ang kanilang mga embryo para hintayin ang tamang panahon.

Pagbalik nila ay nakaramdam ng kakaiba si Jennylyn, madali siyang mainis, konting bagay lang ay ikinagagalit na niya. Madalas silang magtalo ni Dennis nang wala namang dahilan kung tutuusin.

Nasa lock-in taping na siya nu’n ng serye nila ni Xian Lim, nu’ng maramdaman na niya ang madalas na pagsusuka ay nagpa-check-up na siya, pagkatapos mag-pregnancy test na positibo ang resulta.

Kinailangan na niyang magpahinga, saka na ang trabaho sabi ni Dennis, silang mag-ina ang mahalaga. Si Dennis ang personal na nag-alaga kay Jen, ito ang nagluluto at naghahanda ng pagkain ng kanyang misis, kasama rin ito ni Jen sa pagpapa-check-up.

Threatened abortion ang kanilang iniiwasan, konting pisikal na gawin lang kasi ng aktres ay sumasakit na ang kanyang puson, ang kanyang pelvic area ay kumikirot din.

Sabi ni Jen, “Napakasarap palang magbuntis na may kasama ka. Sobra ang pag-aasikaso sa akin ni Dennis, siya ang gumagawa ng lahat-lahat, nagpapasalamat talaga ako at nandito siya.”

Napaaga ang kanilang pagpapakasal, isinabay na rin nila ang gender reveal ng kanilang anak sa araw ng kanilang kasal, pareho nilang gusto na sa panganganak ni Jen ay legal na legal na ang kanilang relasyon.

MAID

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with