^

PSN Showbiz

Pelikula tungkol kay Princess Diana ipapalabas sa drive-in cinema; Mga sanggol inirarampa na rin sa mall

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Pelikula tungkol kay Princess Diana ipapalabas sa drive-in cinema; Mga sanggol inirarampa na rin sa mall
Kristen Stewart.

Nagbabalik ang drive-in film screening ng Cinema One kung saan ipapalabas ang critically-acclaimed film na Spencer na tungkol sa isang Christmas holiday sa buhay ng yumaong si Princess Diana na ginampanan ng American actress na si Kristen Stewart.

Ipalalabas ito ngayong Disyembre 4 (Biyernes) sa Ayala Malls Vertis North na tumutukoy sa apelyido ng Princess of Wales bago siya nagpakasal kay Prince Charles. Tampok sa pelikula ang mga nangyari sa isang Christmas holiday ni Princess Diana kasama ang royal family sa Norfolk, England, kung saan ipinakita ang mga problema niya sa mental health at ang desisyon niyang hiwalayan na si Prince Charles.

Kabilang ito sa official selection ng 2021 Venice Film Festival, Telluride Film Festival, at Toronto International Film Festival.

Swak na swak para sa mga nagnanais magkaroon ng kakaibang movie-going experience, ang “Drive-In Cinema One Christmas” ay magbibigay ng pagkakataon sa movie fans na makapanood ng pelikula at makasali pa sa games habang nasa loob ng kani-kanilang sasakyan.

Bukas na ang ibang mga sinehan sa malls pero 5X a week lang. Dalawang araw sarado sa Ayala Malls.

Anyway, mabibili na ang tickets para sa drive-in cinema experience sa TicketMelon, na nagkakahalaga ng P600 para sa hanggang tatlong tao bawat sasakyan at P800 para naman sa hanggang apat na tao bawat sasakyan. Magbubukas ang gates ng 6 p.m. at magsisimula naman ang film showing ng 8 p.m.

Actually, para mas ideal ito sa kasalukuyan dahil kahapon ay lumampas na naman sa 2,000 ang new positive cases, pataas uli ang trend, at hindi nakakagulat kung sisipa uli ito sa mas malaki pang bilang sa December dahil parang wala nang pandemic kung makapasyal ang mga tao.

Ang mall na pinasyalan ko kahapon, punuan na at pati sanggol na walang malay sinasama na ng kanilang mga magulang para mamasyal. At ang mga maliliit na bata, rumarampa na uli na walang mask at parang walang inaalalang andiyan pa rin ang virus.

 

KRISTEN STEWART

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with