^

PSN Showbiz

Ritz, ikinasal sa mayamang karelasyon

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Ritz, ikinasal sa mayamang karelasyon

Bukas na ang mga sinehan kaya naman sana magbalik-sigla na rin ang showbiz. Nagkaroon ako ng konting pag-asa nang tumawag si Roselle Monteverde na nagsabing baka balik production uli ang Regal Entertainment kahit hindi big movie basta ituluy-tuloy lang daw nila.

Sana nga ay gawin ito nila Roselle dahil isa naman talaga sa pioneer sa paggawa ng pelikula ang Regal. At kahit nga nag-retire na si Mother Lily Monteverde heto naman ang anak niya na gusto pa rin ang pelikula.

Ninang sa kasal ni Ritz Azul si Roselle na ang naging asawa pala ay anak ng classmate ni Roselle noong bata pa siya. Maya­mang angkan pala ang naging dyowa ni Ritz kaya lucky raw ito sabi ng ninang Roselle nila. Bongga dahil sa Baguio pa sila ikinasal at doon nagpunta ang buong entourage ng wedding. Kaya good news din, para sa showbiz. Bukas uli ang Regal Films, big wedding ni Ritz Azul, bonggang bongga.

Mga jobless star, kanya-kanyang raket

Ano kaya ang ginagawa ngayon ng stars na walang taping o shooting?

Sana naman tulad ng iba na dahil hindi busy sa career, nag-back to school, o ‘yung iba nagbukas ng kahit maliit lang na negosyo like food business. Dapat huwag totally idle o walang ginagawa dahil ‘yung utak mo ‘pag hindi pinaaandar magiging stagnant at hihina ang comprehension. Dapat laging may mental exercise para maging productive.

Maganda ang ginawa ng ilan na talagang nagbalik schooling, magandang fallback ito kung sakali at tuluy-tuloy ang pandemic sa showbiz. Ang iba naman na nag-start ng business na balita ko successful naman at talagang ngayon in demand na ang mga pagkaing ginagawa nila.

Basta dapat lang meron silang ginagawa, dahil mukhang matagal pa ang recovery sa showbiz. Dahan-dahan pa ang galaw. Nagbukas na ang mga sinehan, pero siyempre ingat pa rin ang marami. ‘Yung mga taping dahil sa laki ng cost of production, ayun dahan-dahan din.

Medyo matagal din ang paggawa ng mga pelikula, dahil mas malaki ang gastos ngayon dahil sa pagsunod sa health protocols. Tiyaga lang talaga ngayon ang lahat, medyo hinay-hinay.

Lahat apektado, kaya lesson learned na dapat paghandaan ang mga ganitong pangyayari. Mabuti na lang ‘yung merong malaking ipon, survive sila, ‘yung wala ang talagang nadapa. Pero hope spring eternal, wait lang for better days ahead.

 

RITZ AZUL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with